Love is...

33 6 0
                                    

Arian POV

"Ang lalim ng iniisip natin ah" ngising sabi ni Belle

Nandito ako ngayon sa bahay nila ni Raf.

Wala kasi sila Mom at Dad sa bahay.

"Wala lang akong magawa" sabi ko

"Ikaw na lang muna ang maglinis ng buong bahay namin. Habang ang mga katulong ay papauwiin ko muna sa kanilang tahanan para makapag-pahinga"

"Ginawa mo pa akong katulong" mataray kong sabi

"Atleast may ginagawa ka na"

"Di bale na lang" sabi ko

"Hahaha, binibiro lang naman kita"

Cringg 

Napatingin naman si Belle sa ibabaw ng table.

Paniguradong si Ken iyan.

"Natawang na jowa mo" birong sabi ni Belle

"Hindi ko siya jowa" tanggi ko

"Oh! Talaga"

"Walang I love you pero may I miss you"

Kinuha ko sa ibabaw ng table ang cellphone at tingnan ko kung si Ken nga.

Tama nga nasa isip ko.

"Hindi mo jowa pero kung makayakap at maka-holding hands sa 'yo ayaw ka na pakawalan"

"Kung makapag-bantay pa sa 'yo daig niya pa ang CCTV"

"Hindi mo siya jowa"

"Hindi mo siya manliligaw"

"Hindi mo din siya kaibigan"

"Anong status niyo?"

Hindi ko na sinagot ang tanong ni Belle. Tumayo at lumayo ako sa kanya para sagutin ang tawag.

Bold (ako) Italic (Ken)

"Nandito ako sa sementeryo"

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Dinadalaw ko sina Mama at Papa"

"Ikaw lang mag-isa?"

"Oo"

"Hindi ka na naman sinasamahan ng girlfriend mo"

"Busy siya"

"Samahan mo ako dito"

"Text mo na lang kung saan"

Binaba ko na ang tawag.

"Aalis na ako" paalam ko

"Pupuntahan mo siya?" Tukoy ni Belle kay Ken

"Oo"

Pagkasagot ko sa tanong niya ay lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa garahe.

Pinaandar ko na ang kotse papunta sa sementeryo na binigay niyang location sa 'kin.

Pagkarating ko ay nakita ko siya na naka-upo sa may blanket. Agad naman ako naglakad papunta sa pwesto niya at umupo sa tabi niya.

"Arian"

Lumingon naman ako sa kanya at niyakap niya ako.

"Alam kong hindi mo ako matitiis"

"Kailan ba ako hindi pumunta sa 'yo?" Ngiting sabi ko

Inalis na ni Ken ang yakap niya sa 'kin.

J. B. S. A. E Series CharactersWhere stories live. Discover now