OO8

597 46 10
                                    

SANDRA's

Maaga kaming pinalabas ngayon, nakasagot kase ulit yung pinaka matalino saamin kaya yun, eskeyel.

"hoy sandra!" agad naman akong lumingon sa tumawag saakin.

Tsk.

"ano nanaman Jeongwoo?" mataray kong sagot at nag crossed arm.

Inirapan nya ako at kunwaring nag flip ng imaginary hair nya.

Gwapo sana kaso..

"sabay daw kayong mag la-lunch ni Haruto?" ani nya at inirapan muli ako.

Bago ako sumagot, tumingin ako sa likuran nya.

Tsk, kaya naman pala.

Nanatili akong naka crossed arm, peke akong umubo at peke din akong tumawa.

"oo, why did you ask?" malandi kong sabi.

oh, pak, mala oscar ang ate mo ghorl.

"couz you already know na gusto ko si Haruto! you biatch!" pabakla nyang sabi.

Pinipilit kong hindi matawa sa pinag-gagawa nya, nilakihan nya ako ng mata dahilan na mapatayo ako ng deretso.

Bago ako muling sumagot, tumingin muli ako sa kanyang likuran.

Tinignan ko si Jeongwoo at sinenyasan na lumapit saakin. Dali-dali naman syang lumapit saakin.

"wala na sya, umayos ka na, kung ano-ano pinag-gagawa mo" pabiro kong itinulak ang kanyang balikat at umalis.

Hay nako, bakit kase kailangan nya pa mag ganon? tsk tsk, napaka-torpe.

"Hi Sandra"

"AHHHHH!" malakas na sigaw ko.

Napatingin naman ako sa gumulat saakin, sasamaan ko sana ng tingin kaso natigilan ako kung sino ang nang gulat saakin.

"H-Haruto.."

"Hala Sandra! sorry! sorry! nagulat ba kita???" hindi ko pinansin ang tanong nya at tumitig lang sa kanya.

Ay hindi ba obvious na nagulat ako? kaloka.

chour.

"Sandra? Sandra??" agad naman akong napabalik sa realidad.

"O-Oh?"

"Ayos ka lang ba? muntikan ka na kase mahulog sa hagdan dahil nagulat kita, sorry.." ani nya at yumuko.

Umiling ako at hinawakan ang kanyang balikat.

ay wow, ang feeling close ko naman po pala.

"Hala.. hindi, hindi, 'w-wag ka nang mag sorry hehe, ayos lang naman" ani ko at napatingin sya saakin.

BAKIT BA AKO NAUUTAL?

Nginitian ko sya at nginitian nya ako pabalik.

"Sigurado ka?" tanong nya at mabilis naman akong tumango.

"hm, let's go?" pag-aayaya nya

"ha? saan tayo pupunta?" tanong ko.

"sa canteen? diba nag agree kang sumabay saakin mag lunch? hehe" sabi nya at kumamot sya sa kanyang batok.

hehe, ang cute..

ng sapatos nya, parang bagay saken.

"a-ah, oo! hehe.. pasensya na at nakalimutan ko" napakamot na din ako ng batok dahil sa kagagahan ko.

MESSAGE.Where stories live. Discover now