O45

340 34 7
                                    

SANDRA's

Hindi ako sigurado pero parang familiar ang babaeng nasa harap ko ngayon, ang babaeng sinasabi nila ay ang suspect sa pagka aksidente ko.

"we're really sorry sa ginawa ng mga anak ko sa anak ninyo Mister Takata.." sabi ni Mrs. Chae, ang mother ng mga suspect.

"you already know that your sorry is not enough Misis Chae, nakahiga ang anak ko sa kama ng almost one year! halos maubos ang mga luha namin dahil sa kaba na baka hindi kayanin ng anak ko na lumaban at magising!" galit na galit na sabi ni mama kay Mrs. Chae.

"ma.. that's enough, paulit-ulit naman na silang nag sorry eh.." mahinahon kong sabi.

Pero hindi nya ako pinakinggan.

"and other thing, hindi ako makapaniwala na kadugo ko ang gustong pumatay sa anak ko"

"hindi ako makapaniwala na kayang patayin ni Katherine ang pinsan nya"

"pinagsisisihan ko na ngayon na isa akong Chae" maluha-luhang ani ni mama.

Hinawakan ko ang kamay ni mama at sinubukang pigilan sya.

But there's a thing that makes my eyes wide.

Mga pinsan ko ang nagtangkang pumatay saken?!

"ma? what do you mean? pinsan namin ang mga kriminal na yan?!" si kuya, hatala ang galit sa boses nya.

"Mashiho, you're being harsh!" si papa.

"harsh? mas harsh pa ba yung sinabi ko sa ginawa nila kay Sandra? dad?"

Lahat nalang kami ay nanahimik.

"what's your reason Katherine? bakit mo inutos sa mga nakakatanda mong kapatid na patayin si Sandra?" tanong ni mama sa babaeng nasa harap ko.

Tinignan ko sya, nakayuko, para bang hiyang-hiya kaming harapin.

"tita.."

"tita.. i'm sorry.. i'm just being pathetic that time, nagseselos ako"

"nagseselos saan?"

"g-gustong-gusto ko po kasi si Haruto, bestfriend po ni Sandra.."

"n-nag seselos ako kasi sobrang lapit nila sa isa't isa.." paliwanag nya

"malamang, magkaibigan nga diba?" si Kuya.

Tinignan sya ni papa ng masama kaya yon, nanahimik.

"continue"

"n-naisip ko pong ipasagasa sya p-para m-mapasakin ang atensyon ni Haruto.."

"h-hindi ko po sana itutuloy n-na ipasagasa sya kasi narinig ko po silang nag uusap sa rooftop, narinig ko po na nireject ni Haruto si Sandra.."

So, sya yun? sya ang nakasalubong ko sa hagdanan, sya ang tinutukoy nilang Kath na girlfriend ni Haruto?

And also, narinig nya din ang lahat lahat?

"you're pathetic, you're crazy" si kuya ulit.

Tinignan lang namin sya.

"I heard na pinilit mo lang si Haruto nung una at kung ano-ano ang pinagsasabi mo sa kanya na ganto si Sandra, ganere si Sandra"

"na reject nya si Sandra dahil ang buong akala nya ay isang maduming tao si Sandra, na buong akala nya na nakikisalamuha sya sa bayarang babae"

Matapos sabihin ni kuya ang mga iyon, mabilis na tumulo ang mga luha ko.

Kaya pala nasabi ni Haruto ang mga bagay na yun dahil na brainwashed sya?

"what the f*ck Katherine?! hindi naman tayo tinuruan ng ganyan nila mommy and daddy tapos ganyan ka?! i can't believe you!" sabi ng isang babae na mukhang kaedaran lang ni kuya.

"nadamay pa kami dahil sayo! imbis na nag-aaral kami ngayon, nagdudusa kami dahil sa ginawa mo! i hate you!" sabi naman ng lalaki na mukhang mas matanda kay Katherine.

"Keysie! Keifer!"

Parehas naman sila nanahimik matapos silang sigawan ng kanilang ama.

Hanggang ngayon ay nakayuko parin ang babaeng nasa harapan ko.

I still can't believe na kadugo ko ang kaharap ko ngayon, na pinsan ko ang babaeng nasa harap ko ngayon, ang dahilan kung bakit ako nabungo ng kotse at nagka amnesia.

Hindi ko alam pero patuloy paring tumulo ang mga luha ko.

"ok na sana yung sinabihan mo ako nang bobo ako pero yung sasabihin mo sa kaibigan ko, na taong gusto ko na madumi ako? na bayaran ako? that's being too much Katherine" sabi ko sa babaeng nasa harapan ko.

"anak.."

"sandra.."

"pagbibigyan ko na sana kayo pero nung marinig ko yon? hindi ko alam kung mapapatawad pa kita"

"pwede mo naman sabihin saakin na gusto mo si Haruto, baka nga tinulungan pa kita"

"pero hindi eh, kung ano-ano pang pinagsasabi mo tungkol saakin kahit hindi naman totoo"

"and worst, pinasagasa mo ako"

"sinira mo na nga ako sa kaibigan ko, pinasagasa mo pa ako"

Patuloy lang ang pagtulo ng luha ko, kulang nalang ay maglagay ako ng magkok para saluhin ang mga ito.

"i don't think na nasa tamang pag-iisip ka, i'm sorry but, iyon ang napapansin ko"

Kase first of all, sino namang matino ang gagawa ng ganon bagay? papatay ng tao para lang makuha ang gusto mo?

"hindi ko na kayo ipapakulong, dalawang taon na din naman ang lumipas nang mangyari saakin yon"

"pero don't expect na mapapatawad kita ngayon, i need time to think about that"

Sabi ko at tumayo, nag excuse ako sa kanila para lumabas.

I need air, fresh air, nagbabaga na kase sa loob eh.

MESSAGE.Where stories live. Discover now