O75

484 27 13
                                    

SANDRA's

Eto kami ngayon, tamang celebrate lang pagkatapos nila maglaro.

Oo, gabi na kami naghanda, sabi kase ni kuya mas maganda pag gabi para daw maganda haha.

Nga pala, nasabi na namin ni Haruto kanina na kami na, actually, mas masaya pa nga sila samin eh HAHHAHA.

Kakarating lang nila Winslet, Keifer at Keysie dito kaninang hapon, si Jungwon? hindi sya makakapunta, nasa States kase eh.

Sayang.. miss ko na yung mokong na yon HAHAHAHA

Nandito nadin ang mga unnie, jowa ng mga tropa nila oppa, nandito din yung mga tropa nila na taga Enhypen.

Oo, madami kami dito kaya punong-puno na yung pool dine.

Buti nalang at mayaman ang magulang ko at nakapag handa sila ng marami.

Wala dito si mama at papa, nasa Japan.

kaenes diba? birthday ko tapos wala sila? layk?

"Babe" napatingin ako sa tumawag saakin.

Oh, I forgot, nandito ako ngayon sa gilid ng pool, medyo malayo sa mga mag jowa na nasa pool na naglalandian.

Tumabi sya saakin at ipinatong nya ang ulo ko sa balikat nya.

"Happy Birthday" sabi nya

To be honest, i got chills nung sinabi nya yun, ang lalim ba naman ng boses.

"Thank you" nakangiting pasasalamat ko sa kanya.

Nanahimik kami sandali.

"alam mo babe, minsan napapa-isip ako, kung hindi ba kita minassage magiging ganto tayo kasaya ngayon?" sabi nya sabay inom ng coke na hawak nya.

napa giggles ako ng slight.

"oo nga HAHAHAH, dapat na ba ako magpasalamat sa ex mo nyan?" sabi ko at tumingin sa kanya, tinignan nya naman ako pabalik.

"bakit naman?"

"kase kung hindi ka nya dinare na i message ako, hindi magiging tayo, diba?"

Napatawa naman sya sa sinabi ko.

"oo nga noh? hindi ko man lang inisip yon" sabi nya pero bago nya inumin ulit ang coke na hawak nya, hinablot ko ito at inubos.

"tigilan mo muna mag soft drinks babe, matuto kang uminom ng tubig" sabi ko sa kanya at binigyan sya ng bottled water na nasa aking tabi.

"yan inumin mo, mas better pa yan sa coke"

Nagpout sya sakin at kinuha ang tubig tsaka ininom, well, under ko kase sya.

CHAROT.

"oh, ayan na" sabi nya habang pinapakita ang bote ng tubig na wala ng laman.

Nginitian ko sya at pinat ko ang ulo nya.

Ipinatong ko ulit ang ulo ko sa kanyang balikat at pumikit.

Ang daming nangyari saamin bago kami umabot sa ganto, ang dami naming pinagdaaan bago maging kami.

You know what? I'm really thankful to his ex, really.

Kase hindi ulit mag c-cross ang landas namin kung hindi nya dinare si Haruto na i-message ako.

Nakakatawa nga na kung sino pa ang humadlang saaming dalawa ni Haruto, sya pa ang nagpalapit ulit samin ni Haruto.

I really hates dares actually, pero now? parang gusto ko na HAHAHAH

"Sandra, gusto mo?" nabigla ako sa biglang pagsalita ni Haruto.

Napatingin ako sa inaabot nya saken, puto? saan nya nakuha yan? ang layo ng mga handa saamin ah?

"saan mo nakuha yan? may dala ka ba kanina pag punta mo dito?"

"inabot sakin yan ni Hyunsuk hyung, paborito mo daw kase ito, eh hindi ka pa daw nakakakuha kanina, baka maubusan ka daw ni Kaira noona" sabi nya.

Napatango at napatawa naman ako bago kinuha sakanya ang puto at kinain ito.

Pinatong ko ulit ang ulo sa balikat nya.

Buti nalang at hindi sya nangangawit HAHAHHAA

Pero seriously, hindi ko inexpect na magiging ganto kami kasaya ni Haruto.

Tama sya kanina, kung hindi nya ba ako minassage magiging ganto ba kami kasaya?

i don't think so.

To be honest, ayaw ko syang replyan kase nga diba? nag momove-on si ate mo pero naalala ko na kailangan ko umarte kaya yun, nireplyan ko.

Pero kung hindi ko ba sya nireplyan, magiging ganto parin kami?

Ok, ang dami ko nang sinasabi.

"Sandra"

"hm"

"I love you"

Napangiti ako at tinignan sya sabay kiss sa kanyang pisnge

"I love you too"

Nginitian nya ako at hinawakan ang aking mga pisnge, tinignan nya ang aking mga mata at hinalikan ang aking labi.

Tumagal din iyon ng ilang segundo.

Kusa kaming humiwalay at sabay ngumiti.

Hahalikan nya sana ulit ako nang biglang may sumigaw, napatingin kami parehas doon.

"HOY ANG PDA AH?! MAHIYA NAMAN KAYO SA WALANG JOWA!" si Keifer.

Nagkatinginan kami ni Haruto at sabay tumawa.

Tinignan ko ulit sya.

damn, I really love this man.

The end.

MESSAGE.Where stories live. Discover now