O38

357 35 4
                                    

JUNGWON's
[ flashback ]

Nang maka-alis sina Haruto at Sandra, agad akong tinignan ng malungkot ni Ashley.

Nginitian ko lang sya na para bang sinasabi ko na "ok lang"

kahit hindi..

"jungwon.."

"ok lang, sanay na ako haha" mapait kong sabi.

Matagal na akong may gusto kay Cassandra, matagal na.

Nung una kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya pero nung naging 7th grade na kami, hindi ko alam pero pag lalapit sya saakin, ang lakas ng tibok ng puso ko.

oo, ang baklang pakinggan pero yun ang nararamdaman ko eh.

✦ ✦ ✦

"ang tagal naman nilang mag-usap, nag tanan na y─" naputol ang sasabihin ni Ashley ng biglang may sumigaw.

"may babaeng naaksidente doon sa labas ng school!!"

Nagkatinginan kami ni Ashley at mabilis na umalis ng café sabay punta sa labas school.

Naabutan namin ang san damakmak na tao na nakapaligid doon, nakikisingit kami ni Ashley para makita kung sino ang naaksidente.

"grabe, ang ganda pa namang dilag na iyan"

"tumawag na kayo ng abulansya!"

"tignan mo yung ID, 8th grade nakalagay"

"jusko, ang bata pa nire"

Mas lalong kumabog ang puso ko itinuloy nalang ang pakipagsiksikan sakanila hanggang sa makarating ako sa naaksidente.

Agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino yon.

"SANDRA!!" hindi na ako nag atubili at ibinuhat sya sabay takbo palayo sa mga tao.

Hindi ko alam ang gagawin ko, ang tagal pang dumating ng ambulansya.

Nag pa-panic na ako.

Alam ko na hindi dapat ako nagpapagod, makakasama saakin iyon pero wala na akong pakealam.

Gusto kong mailigtas ang kaibigan ko, ang babaeng pinakamamahal ko.

( isipin nyo nalang na matured sila dito hehe, nawalan na talaga ako ng ideya eh.. )

Nang makarating ako sa hospital, agad namin kaming inasikaso ng mga tauhan dito.

"check her vitals" rinig kong sabi ng doctor.

"sir, related po ba kayo sa pasyente?" tanong ng nurse.

"kaibigan nya po ako" sagot ko

"ok sir, meron po ba kayong numbers ng parents, guidance nya?" tumango nalang ako sa nurse na nagtatanong saakin.

Hindi ako makahinga.

MESSAGE.Where stories live. Discover now