O56

335 32 5
                                    

SANDRA's

"hoy, pahiram ng damit" sabi ni Haruto at umupo sa sofa kung saan ako nakaupo ngayon.

Napairap naman ako.

"kapal mo talaga, bakit hindi ikaw ang kumuha?" inis kong sabi at dinampot ang banana milk sa lamesa at ininom ito.

Rinig ko naman ang pag mock nya saken at tsaka umalis. langya.

Hindi din nagtagal at bumalik na sa sala si Haruto at nakinood saakin.

Hawak nya ngayon ang popcorn na kinakain ko kanina, nakataas ang paa sa lamesa at sumandal sa sofa.

Kapal ng mukha diba?

"hoy, bakit ganyan suot mo? magpalit ka nga!" inis akong humarap sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

"kanina pa yang hoy mo ah?! at ano namang problema mo sa suot ko?! ikaw ba ang nagsusuot?! ha?!" inis na sabi ko at sumandal sa sofa.

"magpalit ka"

"ayoko"

"magpalit ka"

"AYOKO"

"magpapalit ka o ako magpapalit nyan?"

"edi palitan mo, kung kaya mo"

"tss, palitan mo nga"

"ano ba kaseng problema mo?! hindi ko tuloy mapanood ng maayos yung up!" sigaw ko habang nakafocus parin sa pinapanood namin.

"eh na d-distract ako eh! nakashort ka lang tapos naka sando! sino bang lalaking hindi ma d-distract pag ganyan suot ng babaeng kasama nila?!" sigaw nya din

Aba.

"eh ano nam─" napahinto ako nang marealize ko ang sinabi nya.

Agad naman akong tumakbo papuntang kwarto at nagsuot ng napakalaking hoodie.

Jusko Sandra, katangahan, katangahan.

Lumabas na ako ng kwarto ko at pumuntang sala.

"oh? ok na yan?" tanong ko sa kanya, tumango naman sya saakin at ngumiti.

Inirapan ko naman sya at umupo sa sofa at kinuha ang popcorn na nasa kamay nya.

✦ ✦ ✦

Nagising ako at hindi ko alam ang dahilan.

Napatingin ako sa katabi ko, kitang-kita ko kung gaano sya hindi ka kumportable sa pwesto nya.

Nasa sofa parin kami ngayon, nakatulog ata kami habang nanonood.

Tumingin ako kung nasaan ang kwarto ni kuya, wala parin sya.

Tinignan ko ulit si Haruto at binuhat sya papunta sa aking kwarto.

Grabe, ang payat pero ang bigat.

Nang makapunta na kami sa kwarto ko, agad ko naman sya hiniga. Kinumutan ko sya, pintay ang ilaw at tsaka lumabas ng kwarto.

Ano akala nyo? tatabi ako sa kanya? de wao.

Pumunta ako sa kwarto nila mama at papa at dun nagselpon hanggang sa makatulog ulit.

MESSAGE.Where stories live. Discover now