O39

345 29 1
                                    

SANDRA's
[ flashback ]

Nang imunilat ko ang aking nga mata, isang puting kisame ang sumalubong saakin.

Ang sakit ng ulo ko.

Inikot ko ang aking mga mata at may mga hindi pamilyar na mga tao ang nasa paligid ko.

"gising na si Sandra! tawagin nyo si Doc! bilis!" sigaw ng isang babaeng nasa edarang kwarenta.

Sandra? sino si Sandra?

"Cassie, buti gising ka na, miss na miss na kita" umiiyak na sabi ng babaeng nasa kaedaran ko lang.

Miss na miss nya na ako? magkakilala ba kami?

"h-huh? s-sino ka?" tanong ko sa kanya.

"s-sino k-kayo?" tanong ko pa ulit habang tinignan isa-isa ang mga taong nasa paligid ko.

Nakita ko silang nanlaki ang mga mata na parang gulat na gulat.

Ano ba ang nangyayari? bakit ako nandito?

"w-wag k-ka namang mag j-joke Cassandra, h-hindi na kakatuwa" patuloy parin ang pag-iyak ng babaeng nasa tabi ko habang sinasabi iyon.

"Cassandra, sweetie, si mommy mo ito, h-hindi m-mo ba a-ako maalala? anak?" napatingin naman ako sa nagsalita na patuloy ang pagbuhos ng luha.

Mommy? nanay ko sya?

"where's the patient?" lahat kami napatingin sa lalaking nagsalita.

Sya ata yung doctor.

"D-Doc, b-bakit hindi maka alala ang anak k-ko?" tanong ng babaeng kanina ay sinasabing mommy ko daw sya.

"base sa nangyaring aksidenteng nangyari sa pasyente, napalakas ang pagtama ng ulo nya sa sasakyan and that cause her to not to remember anything" paninimula ng doctor.

"don't worry Misis Takata, she will remember anything after her recover, just help her, it will help and don't pressure her too much pagdating sa pag-aalala ng mga nakalimutan nya, makakasama iyon sa pasyente" sagot ng doctor sa mommy ko daw.

( huhu, sorry na, wala talaga akong alam sa mga ganyan )

"excuse me, i have to check the patient now" sabi ng doctor kaya tumabi ng kaunti ang mga taong nakapaligid saakin.

Naaksidente ako? Nanay ko ang kausap ng doctor kanina? ako ba yung Cassandra o Sandra na sinasabi nila?

Naguguluhan ako, sobrang gulo.

✦ ✦ ✦

2 years later..
[ bago po ichat ni Haruto si Sandra, eto po yung unang nangyari ;) ]

Eto ako ngayon, naka uniform at handa ng pumasok sa school.

Two years ago pa nung nangyari ang aksidente na iyon at hanggang ngayon, hindi pa nahahanap ang suspect ng pangyayaring iyon.

Nakaka-alala na din ako ngayon, hindi ko lang sinasabi sa kanila dahil hindi pa ako handa.

Hindi pa..

MESSAGE.Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz