Chapter Twenty Three

244 7 0
                                    

Chapter Twenty Three

Hindi ko maintindihan kung bakit kaninang papunta kami sa bar kung saan ginanap ang party ni Miguel ay napakabilis na parang kumurap lang ako nang ilang beses ay nandoon na kami agad pero ngayong pauwi na kami ay makakatulog nalang ako't lahat-lahat ay nandito parin kami sa daan.

Iginalaw ko ang leeg ko, nagbabakasakaling mawala ang pangangalay noon. Buong byahe ay nandito lang ako nakatingin sa labas ng bintana. Kulang nalang ay bilangin ko ang mga punong madadaanan namin. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka pinaglaruan ang aking mga daliri.

Mabilis akong lumabas ng sasakyan nang makarating kami sa tapat ng mansion. Para akong hindi huminga nang ilang oras at sa wakas nakalanghap din ng sariwang hangin.

Nang makapunta ako sa tapat ng gate namin ay natagpuan ko agad ang mata ni Kit habang nakasandal sa kanyang kotse at nakahalukipkip.

So ano? Kami na ba o hindi pa? MU pa lang ba? Hindi ko siya totally sinagot, I just told him that I love him too, that's it.

Sinagot ko na ba siya noon? Considered na ba iyon? Ano ba hindi ko na alam! Para akong first time na nag-boyfriend at hindi alam kung ano ba talaga ang dapat gawin!

"So, g-goodnight?"

Instead of replying, he tilted his head as he protruded his lips. His eyes shows amusement. Talagang natutuwa siya sa itsura ko ngayon, ha?

Nababalisa na ako rito. Hindi ko na alam! Kami na ba? Or MU muna? Ano? Hindi ko alam!

He extended his arms to me. Napatingin ako sakanya but he just gestured me to accept his hand. So when I did, he immediately pulled me.

Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakasubsub sa kanyang dibdib. His hands were on the small back of mine.

"Kit," I called him. He nuzzled on my neck kaya napatingala ako. Kumapit ako sa kanyang likod dahil nakabend nanaman ako. Bakit naman kasi sa laking tao nito ay ang hilig tumambay sa leeg ko!

"Can you say it again?" He whispered sofly. Pasimple akong gumalaw dahil nakikiliti na ako sa init ng kanyang hininga na tumatama sa aking leeg.

"What?" Kunyari inosente kong tanong.

"The one you told me earlier..."

"What? That I love you?" I replied. Mabilis siyang humiwalay sa 'kin kaya kita ko ang kanyang gulat na mukha.

Napanguso ako. "Tatanong-tanong ka tapos magugulat, ano kaya 'yon?"

Huminga siya nang malalim sabay umiling habang mahinang natatawa. Saka niya ako ulit niyakap na tinugon ko rin naman.

"I just can't believe that after all these years... you'll still choose to be with me." Humigpit ang yakap niya sa 'kin. Nararamdaman ko na ang bilis ng tibok ng puso niya sa 'kin na sinusuklian rin ng puso ko.

Parang may koneksyon talaga ito at nagsasabay pa talaga sa pagtibok.

"Is that an indirect message saying na marupok ako?" Natatawa kong tanong.

Tumaas ang labi niya sa tenga ko kaya agad nagsipagtindigan ang balahibo ko.

"No. Sinasabi ko lang na patay na patay ka sa 'kin." He playfully said.

Kinawit ko ang aking kamay sa kanyang balikat mula sa likod niya. "Kapal mo!"

I felt him kissed my temple. Nanatili ang labi niya roon.

"Babalik ka sa hotel?"

"Why? Are inviting me to sleep with you? You're this fast?" He throw a teasingful laugh.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon