Chapter Thirty Six

271 7 5
                                    

Chapter Thirty Six

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong humikab, pinipilit pigilan ang tuluyang pag-pikit ng aking mga mata. Sumulyap ako sa wall clock at muling napairap.

6:30 AM

Binulabog ako ni Kit kaninang mga bandang alas-singko upang sabihing mag-ayos na ako dahil papunta na siya pero isang oras at kalahati na ang lumipas pero nandito parin ako't nakaupo habang pinipigilan ang antok. Kaonti na nga lang at tuluyan na akong sasama sa liwanag at bahala na siya sa buhay niya.

Pero bakit nga ba hindi ko gawin?

Iniling ko ang aking ulo saka inayos ang mga throw pillow. Bahala na talaga siya!

I was about to lay down when the fucking doorbell rang! Muli kong pinaikot ang aking mga mata!

Fuck timing, fuck everything, fuck you, Kit!

Muli nanamang tumunog ang doorbell kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo.

"Sandale!" Hiyaw ko kahit walang kasiguraduhan kung maririnig niya ba ako o hindi.

Pagbukas na pagbukas ng pinto ay parang isang bula na nawala ang antok ko sa nadatnan.

Bumungad sa akin si Kit na nakasuot ng simpleng puting t-shirt, sweat pants, at isang mukhang mamahalin na running shoes. Nakasuot din siya ng kulay Royal Blue na cap. Ngunit ang pinaka nakagimbal sa akin ay ang batang babaeng kanyang bitbit!

Nakapatong ang ulo nito sa kanyang balikat. Hindi ko Makita nang malinaw ang mukha nito dahil nakasabog ang buhok nito sa kanyang mukha. She's wearing a Violet floral dress with split flutter sleeves and has a think black belt on her waist. May ruffles din sa dulo ng dress nito. Para sa paa ay nakasuot naman ito ng puti at makintab na doll shoes.

Is she his daughter?!

"W-Who--" I wasn't able to finish what I'm about to say when he butt in.

"My niece." He answered like he already know what I'm about to ask him even if I wasn't able to finish what I'm saying earlier.

Strangely, parang may malaking kung ano ang naalis sa dibdib ko nang sabihin niya iyon. Hindi ko tuloy mapigilang pagalitan ang sarili ko nang palihim. I already expected this kind of happening pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang kaba sa dibdib ko.

Lumunok ako upang matanggal ang malaking harang sa aking lalamunan. Muling bumaba ang tingin ko sa bata. Sa tantya ko ay tatlong taong gulang na ito.

Bahagya itong gumalaw ngunit hindi ko parin makita ang kaniyang mukha sapagkat isiniksik niya lamang ang kaniyang ulo sa leeg ni Kit.

Malalim na nagbuntong hininga si Kit kaya umangat ang tingin ko sakanya. Kumabog ang dibdib ko nang matagpuan ang nangungusap niyang mga mata sa akin.

"I'm sorry for this. I can't just leave her with the maids.. So I have to bring her with me..." iniwas ko ang tingin sakanya. Mabilis akong pumasok sa loob ng aking condo. Narinig ko pa ang tawag ni Kit sa akin ngunit hindi na ako lumingon. Pumasok ako sa aking kwarto upang kunin ang inihanda kong crossbody bag at denim jacket. Inilock ko rin ang aking condo bago tuluyang bumaling sakanila.

"Let's go..." magaan kong anyaya kay Kit.

Kita ko pa rin ang pag-aalala sa mata niya ngunit tumango rin siya sa akin. Pag dating sa parking ay kinuha ko nalang ang bata kay Kit saka ito pinakandong sa akin at pinahiga sa aking dibdib.

Ngayon ay tuluyan ko nang nakita ang kanyang mukha. Mestiza ito kaya kaonting pisil lang sa balat nito ay sobra na ang pamumula. Kahit tulog ay kitang-kita ang pagiging Legaspi ng bata. But I also recognize the other features of her na iba kay Kit.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon