seven

57 2 0
                                    

Pumunta na ako ng meat section at nakasunod pa rin sa akin si Gian.


"Hindi mo naman kailangan pang mamili ng groceries, we have enough supplies," sabi niya.


Hindi ko talaga gusto ang presensya niya kaya hindi ko na naiwasan ang lamig sa tono ng pagsasalita ko, "I should still contribute."


Nahagip ko naman ang reaksyong parang nabigla sa pagiging indifferent ko sa kanya. I just can't help it, I know na nakaka-guilty kasi asawa niya ako pero kung ituring ko siya parang ayaw na ayaw ko sa kanya.


"Bakit ka ba sunod ng sunod?!" tanong ko sa kanya, pero sa mas kaswal na ang tono ko.


"Hindi na kita nasamahan magpa-check up kaya dito na lang kita sasamahan," pagkatapos niyang sabihin iyon ay napatingin siya sa daliri ko na nakasuot ang singsing na kaparehas ng sa kaniya.


Iniwas ko iyon at hindi na lang nagsalita kasi baka may mali nanaman akong sabihin.


Nang matapos na akong mag-grocery, at nakalabas na rin ako ng mismong super market, ay napansin kong sumusunod pa rin sa akin si Gian, kaya naman ay hinarap ko na siya. Muntikan pa siyang bumangga sa akin kasi bigla akong huminto na ikinagulat niya rin.


"Pwede mo na akong 'wag samahan, may mga bibilhin pa ko baka mapagod ka lang." he smirked.


"Alam ko namang concern ka sa akin, pero don't worry I insist..." pang-aasar niya sa akin.


Concern your ass! Napairap at napabuntong hininga na lang ako at hinayaan na siyang sumunod sa akin.


Pumunta muna kaming parking lot at ilalapag ko na muna yung pinamili ko. Siya na lahat may dala ng mga pinamili ko at nauna na rin sa aking maglakad, kaso nang na sa parking lot na kami ay napahinto siya; na ipinagtaka ko.


"Oh, bakit?" sabi ko sa kanya nang humarap siya sa akin at nagkakamot ng batok. "Hindi ko pala kung saan mo pinark yung kotse mo..." natawa ako na medyo may pagka-sarkastiko.


"Bida bida ka rin kasi eh, una una ka pa diyan 'di mo naman alam kung saan," nilagpasan ko na siya at sumunod naman siya sa akin.


Nang makarating na kami sa tapat ng kotse ko ay pinuna niya naman ito, "So... ito pa rin pala yung gamit mong kotse, huh?"


"Yes, gift sa akin to ng parents ko diba?" yun kasi yung pagkakatanda ko. "Oo... I remember how happy you are when you got this," he said while looking intently at my car, as if he was reminiscing a very good memory.


Binuksan ko na yung back compartment ng kotse ko pero hindi pa rin gumagalaw sa pwesto niya si Gian, kaya naman kinuha ko na sa kanya yung dalawang eco bag at tsaka lang siya nabalik sa reyalidad.


Hindi ako masyadong nakabili ng iba pang toiletries sa supermarket bukod sa shampoo at toothpaste, kaya naman pagbalik namin sa loob ng mall ay pumunta muna kami sa iba't ibang cosmetics and body shop outlets para bumili ng sabon at iba ko pang make-up.


Isa sa mga pinuntahan namin ay Nature Republic. Dati noong hindi pa ako pumupunta ng South Korea ay puro drugstore make-up/skin care products ang binibili ko. Pero nang tumira na ako sa South Korea, nasanay na ako sa mga local brands nila-- tapos mura po doon, isa na dito itong Nature Republic.


Bumili lang ako ng BB Cream, eye shadow pallete, moisturizer, bath soap, at toner sa outlet store na iyon. Samantala, ang iba pa namang kaartehan ko para sa balat ko ay sa iba ko na binili. Napadaan kami sa department store, Watsons, at Face Republic para doon na bumili.


Maya't maya ko namang tinitignan si Gian, inoobserbahan ko siya kung nababagot na ba siya. Pero parang wala lang sa kanya; yung tipong parang sanay na siya. I wonder if I always bring him before kapag namimili ako.


Habang tumatagal na nakasunod siya sa akin at hindi kami nag-uusap, mas lalo ko lang din nararamdaman yung awkwardness. Kaya nang pumasok ako sa isang clothing stores para pumili ng mga corporate attires or semi-formal attires na gagamitin ko kapag pumasok na ako ay kinausap ko na siya.


Hawak hawak ko ang isang gray na pencil cut skirt at isang black tunic blouse na tinapat ko sa katawan ko ay tinanong ko si Gian, "Bagay ba?" nagulat siya sa biglaang tanong ko sa kanya.


"Ah o-oo, bagay. Bagay sa'yo kunin mo na..." natawa ako kasi hindi ko alam kung totoo bang bagay sa akin o nataranta lang siya kaya yun yung nasabi niya.


Gayunpaman, kinuha ko pa rin iyon at namimili pa ng iba; para na rin marami akong pagpilian sa susunod. Tinry ko pa ring kausapin ito pero puro small talks na lang kami kaya naman ay naisipan kong yayain na lang siyang kumain ng dinner. Since hindi ko na rin namalayan na napatagal na kami sa pamimili at madilim na ang langit.


"Tara kain tayo, libre ko na. Dahil na rin sinamahan mo pa ako at ikaw pa ang nagbitbit ng mga napamili ko..." sabi ko habang tintingnan ang mga ilang paper bags na hawak-hawak niya na gamit ang dalawa niyang kamay. Samantala ako, ang bitbit ko lang ay yung tote bag ko at isang maliit na paper bag na ang laman lang ay lipstick na binili ko.


"Hindi mo na ako kailangan ilibre..." sabi niya. "Don't worry, I have my cash with me and I also insist..." nginitian ko na lang siya ng matamis.


Habang naghihintay kami ay nagsalita naman si Gian, "Parang dati lang hirap na hirap akong yayain ka kumain sa labas, ngayon ako na ang pinipilit mo... Kailangan mo lang pala talaga magka-amnesia para pumogi ako sa paningin mo eh..." sabi niya sa akin sabay kindat.


"Minsan talaga masyado kang assuming 'no?" sabi ko na ikinatawa niya naman. "I'm just stating a fact, madam. Tsaka 'wag ka nang mag-kunwari... excited ka naman talagang tumira sa bahay natin. Kaya kahit may dalawang araw ka pa para bumili ng groceries ay ginawa mo na agad," sinabi niya iyon habang pinaglalaruan ang kilay niya.


Napairap ako at sinabing, "Alam ko na talaga ang dahilan kung bakit kita pinahirapan dati."



Pagkatapos namin kumain ay agad rin naman kaming umuwi. Nilagay ko na sa laundry basket ko ang mga damit na pinamili ko para malabhan na rin bukas. Pati na rin ang mga iba ko pang napamili ay nilagay ko na sa mga storage box na nakalaan para doon.


Nakahiga na ako sa kama ko at patulog na nang makita ko ang isang text galing sa isang registered number at ang pangalang nakalagay ay Love


Ang korni ko naman, bakit ganito name ni Gian sa phone ko. Sinabi lang ni Gian na nakauwi na siya at hindi ko na nireplyan. Kaya naman ay tingnan ko na lang ang huling text message ko sa kanya.


Bakit ganito ang huli naming pag-uusap?

---

Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon