twenty-seven

27 0 0
                                    

Kakatapos lang ng sembreak namin at nasa St. Thomas Square ako ngayon, kasi may bibilhin akong libro ng isang novel. Sabi kasi ng mga kaklase ko dito raw sa isang bookstore dito nakahanap ng mas marami pang stocks ng novel na iyon.


Bakit ba kasi ang hirap makahanap ng copy ng libro na 'yun?


Nasa loob na ako ng bookstore na tinutukoy nila. I still have classes at one pm, and eleven thirty na ay hindi ko pa rin nahahanap yung libro. Kaya naman ay humingi na ako ng tulong sa isa sa mga nag-aassist doon, gladly, we found it. 


Well, siya pala yung nakahanap; sumunod lang ako sa kanya.


Papunta na ako sa isang fast food chain dito para mag-take out na lang sana at sa PNU na lang mismo kumain, kasi nakalimutan ko na rin mag-lunch at baka ma-late naman ako kapag dito pa ako kumain. Pero, papasok na sana ako sa loob nang bigla naman nag-ring ang phone ko.


Si Gian ang tumatawag. Ano kayang kailangan nito?


"Bakit?" bungad ko sa kanya.


"Ay ganyan pala mag-hi ang mga PNUANs?" pang-aasar niya at narinig ko pa ang mahina niyang tawa.


"Bakit nga?" pag-uulit ko naman.


"Papunta pala ako dyan sa PNU ngayon; ibibigay ko yung susuotin mo para sa event," pag-papaliwanag niya naman.


Wait, hindi ako na-inform na meron palang dress code. Hindi ko na ibinulalas ang nasa isip ko para mapabilis na lang ang pag-uusap namin.


"Nasa USTe ka ba ngayon?" tanong ko.


"Oo, bakit?"


Malapit lang naman 'tong mall na 'to kung nasaan siya kaya siguro ako na lang ang pupunta, "Malapit lang ako, ako na lang ang pupunta dyan."


"Ow, okay. I'll meet you at the main gate," the we ended the call.


Hays, sana talaga hindi ako ma-late.


Dali-dali na ako naglakad papalabas ng mall para kitain siya sa main gate nga ng school nila. Alam ko naman kung saan kami magkikita, since ilang beses na rin naman ako nakakapunta doon dahil kay Sheena.


Wala pang ilang sandali ay nakita ko na si Gian at hawak-hawak ang phone niya at isang paper bag. Lumapit na ako at agad niya namang napansin ang presensya ko kaya nginitian niya ako. Ngayon ko lang siya nakitang naka-uniform; kapag ganito ang ayos niya parang hindi siya yung malokong Gian na kakilala ko.


"Ayan ba 'yun?" sabi ko sabay turo sa hawak-hawak niyang kulay dilaw na paper bag.


Tumawa siya bago ako sagutin, "Oo, nagugustuhan ko na talaga way niyo ng pag-hi ah,"


Inirapan ko na lang siya at inangat na ang kamay ko para ibigay niya na yung paper bag.

Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon