seventeen

41 1 0
                                    

Kakatapos ko lang mag-bihis nang bigla namang pumasok sa kwarto ko si Sheena. Umupo siya sa may kama at tinitigan ako habang may mga ngiti sa kanyang labi. Nagtaka at na-weweirduhan na ako kung bakit ganyan siya makatingin, kaya hindi ko na napigilang magtanong.


"Ano bang problema mo huy?"


Ngumiti ulit siya at ilang sandali lang ay napabuntong hininga bago magsalita, "I'm just happy for you... finally you're opening your heart again."


Hindi ko in-eexpect na 'yan ang sasabihin niya kaya napa-isip ako.


Am I? Actually 'di ko nga alam kung ready na ba ulit akong magmahal at umasa sa isang relasyon.


Hindi na ako nakapagsalita at hinayaan ko na lang isipin ni Sheena ang gusto niyang isipin. Maybe, I'm gonna talk about it to her soon, once I'm already sure.


"By the way, binilhan kita ng paborito mong cake.. tara!" she sounds so excited.


Tumayo na siya at hinila ako palabas papunta sa kitchen/dining area namin.


"Anong meron?" sabi ko sabay kagat sa unang slice ng mocha cake na binili niya.


"Wala naman... napadaan lang kasi kami kanina sa isang bake shop tapos nang makita ko 'yang cake na iyan ay naalala kita kaya binili ko na," paliwanag naman niya.


I smiled and then hug her to show my gratitude. This cake tastes so good!


"Bilang bayad..." napasimangot naman ako na ikinatawa naman niya, "Huwag ka ngang desisyon dyan, kwentuhan mo pa ako tungkol sa nangyari kanina."


Ayun nga ang ginawa ko, kinwento ko lahat ngmga  nangyari habang kasama ko sina Simon at Larson. Tahimik kaming napapatili dahil parehas kaming kinikilig sa mga kinikwento ko; well, medyo pinaganda ko ang kwento at pinagmistula ko na may mga meaning talaga ang lahat ng iyon kahit wala naman talaga.


"Sus, aasa ka naman?" pang-babara sa akin ni Sheena.


Hindi ko alam kung suportado ba sa akin ito o ano.


"Okay na 'yun 'no! At least ako mismo yung nagdesisyong umasa hindi yung umasa ako dahil pinapaasa niya talaga ako," I defensively said.


Tinaas niya naman ang dalawang kamay niya na parang sumusuko na siya, kaya nagtawanan naman kami hanggang sa matapos kami sa pagkain ng cake.


Pagkatapos kong ligpitin at hugasan ang pinagkainan namin ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Si Sheena naman ay bumalik na sa mga kaibigan niya.


Inumpisahan ko na ang mga acads-related work ko nang may mga ngiti sa labi. I'm liking this effect of Larson to me!


Wala pang ilang minuto simula nang mag-aral ako ay bigla namang nag-vibrate ang phone ko, at nabasa ko ang text message na galing kay Gian.

Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon