thirty

45 0 0
                                    

Ang bilis ng panahon, unang week na ngayon ng December at hindi ko na lang namalayan ay patapos na pala ang 2014. Magbabakasyon na, it also means patapos na rin ang second term namin at halos lahat ng profs ay saba- sabay na nagpapasa ng mga course requirements. Sa katunayan nga ay kani-kanina pa nagsialisan ang mga kaklase ko dahil binigyan kami ng isa naming prof ng oras sa subject niya para asikasuhin yung mga pinapagawa niya, at pinili na lang namin ng mga kagrupo kong mag-stay sa room.


Pagkatapos nang pag-aasikaso sa group project naming iyon ay gumayak na rin kami, pinauna ko na lang sila kasi inayos ko pa yung laptop ko at yung charger nito. Nang makalabas na ako ay gulat naman ako nang makita ko si Gian sa may gilid lang ng pinto ng room kung nasaan ako.


"Hey," bati naman niya sa akin.


Napataggal ang titig ko sa kanya kasi hindi ko iniexpect na nandito siya sa loob ng pamantasan, pero nang makabalik sa ulirat ay nag-salita na rin.


"Paano ka nakapasok?" pagtataka ko.


Inangat niya naman ang hawak-hawak niyang ID, "I make my own ways, here they gave me a visitor ID kasi sabi ko mag-iinquire lang ako."


I laughed in disbelief kasi napansin kong hindi rin siya naka-uniform kahit na alam ko namang may pasok sila ngayong araw.


"Nag-effort ka pa talagang mag-palit ng damit at mag-sinungaling, huh?" I mockingly said to him.


Simula noong gabing na-meet ko personally si Dan, araw-araw na kaming nagkikita ni Gian; it's either every lunch break, kasi sabay kami ng lunch break, or di naman kaya ay t'wing uwian kasi mas maaga naman natatapos ang klase niya kesa sa akin. So, I assume he's here para sunduin nanaman ako para sabay kaming mag-dinner. Noong una ay hindi ako sanay na oo lang ako nang oo, pero nang napapadalas ay nasasanay na rin akong kasama siya, at minsan pa nga ay nakakasama rin namin si Simon pero hindi ko na masyadong nakikita si Larson.


Surprisingly, I'm not even looking for him that much compared how I was before.


Speaking of Simon, mula sa building kung nasaan ang last na klase ko ay nakasalubong naman namin ni Gian siya sa may UTMT, at sumilay agad sa kanyang mga labi ang makahulugang ngiti at tingin samin ng kasama ko.


"Hi Gian!" excited niyang bati.


Kita mo 'tong kaibigan ko mas binati pa si Gian kesa sa akin.


Ngumiti sa kanya si Gian, "Hello, Larson's cousin."


Natawa ako kasi naalala ko noong pinakilala ko kasi sila sa isa't isa ay nakalimutan agad ni Gian ang pangalan ni Simon nang mismong gabing iyon, at ang natandaan niya lang ay yung kasama namin ay pinsan ni Larson.


"Kaloka ka naman! Ang pogi pogi mo pero napaka makakalimutin mo!" eksaheradang hinawakan ni Simon ang kanyang dibdib na para bang sobra siyang na-offend sa kasama ko.


Tumawa si Gian, "I'm just kidding, alam kong ikaw si Simon."


Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon