eleven

42 2 0
                                    


Pinagpatuloy ko na lang ang pag-harap ko sa laptop at pag-aayos ng mga papeles ko. I also start writing sa notes ko tungkol sa mga naramdaman ko kanina; to keep me in track sa progress ng pag-alala ko. Nang matapos naman ako dito ay humiga ako sa kama at nag-phone na lang.


Nagulat ako nang makita kong bigla na lang lumubo ang notifications ko sa Twitter. Kaya naman ay binuksan ko ito.


Nakita ko ang picture namin ni Gian nang nakatalikod, napansin kong kanina lang ito kinuhaan kasi ito yung mga suot namin, at may mga bitbit kami.


@thejuanforme05: GOSH! I saw @dalevillacorta and @mirablaire_ kanina sa harap ng building kung saan sila nakatira dati, is this a sign?? Is Mira will be coming home, officially??


Sabi ng nag-tweet ng picture namin na iyon ni Gian, na medyo ipinagtaka ko kaya naman ay binasa ko pa ang mga tweets ng iba.


@belly_land: I'm so happy for them!! KYAAAH

@syofgg_fan: THIS IS REAL!! Our OTP is back!! Sana ay forever na talaga sila.

@ilovelisabangs: Sana hindi na maulit yung nangyari sa kanila two years ago T_T


What the heck?! Ganoon ba ka-big deal ang pagbabalik ko sa bahay namin? Isn't obvious na dapat dito talaga ako uuwi?


Nag-break ba talaga kami dati?


Naalala ko ang sagot ni Larson noong tinanong ko siya tungkol samin ni Gian, yung reaksyon ko sa sinabi ni Simon tungkol sa nangyari kay Gian nang umalis ako, tapos ito namang reaksyon ng mga nakikita ko sa internet. Pero naalala ko naman mga sinabi ng pamilya ko at iba ko pang kabigan na totoo ngang asawa ko si Gian.


I don't know anymore. I'm so confused!


I just know that something really happened between us two years ago. It's just frustrating that I don't even remember kahit na maliit na bagay lang!


Kahit na masakit ang ulo ko ay hindi na magbabago ang desisyon ko na magpakalasing ngayong gabi. I want to forget all these problems and confusions I have-- at least for a night.


Almost six pm ay nag-text sa akin si Sheena kung saan ba kami lalabas mamayang gabi, at nagtanong na rin kung bakit parang out of nowhere yung pagyaya ko; which is very unusual.


Ako to Sheena:

Same club sa Morato, 9 PM. I just want to free my mind, kung anu-ano nanaman pumapasok sa isip ko eh. Which is bad for my condition right now.


She just replied okay and we didn't text anymore after that.


Dinner na at sabay na kaming kumain ni Gian.


"Mag-sstart ka na sa Monday 'no?" he started the conversation.


Tumango lang ako; walang ganang makipag-usap sa kanya.


Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon