twenty-two

31 0 0
                                    

Nitong mga nakaraang araw ay naging consistent si Gian sa pag-aabang sa akin tuwing uwian. Siguro dahil na rin aware siya na hindi ko na laging makakasabay si Simon sa pag-uwi kasi busy pa rin siya sa Kislap. Kahit na gusto ko siyang paliging tanggihan ay hindi ko magawa kasi malayo-layo pa rin naman ang España sa PNU 'no. Sayang pamasahe at oras niya, kaya naman minsan nagsasabay kaming kumaing tatlo ni Larson.


Syempre sobrang awkward, yung tipong kahit pagnguya ng kinakain ko ay hindi ko magawa nang maayos kasi madalas ay sobrang tahimik nila.


Minsan kahit na pinagdadasal ko na sana kasama namin si Simon para gumaan ang atmosphere, ay pinagpapasalamat ko pa rin na hindi niya pa na-memeet or nakikita man lang sa picture si Gian kasi alam kong mas doble pa ang pang-aasar sa akin nito.


Ngayon ay hindi nanaman nagpatalo si Gian at hinablot na ang bag ko para hindi na ako makapalag sa gusto niyang mag-sabay kaming kumain; at kasama na rin namin si Larson. Hindi pa kami kumakaing tatlong sabay or kami lang ni Gian kila Nanay puro sa ibang karinderya lang. Katulad ngayon, napag-isipan naming kumain na lang sa Jejuken.


Matagal din dito pero since si Larson ang nag-request ay hindi na ako nag-reklamo pa at um-oo na lang.


"Mira, nood ka ng game namin ah!" paanyaya sa akin ni Larson.


Medyo nabigla ako kasi ito ata ang first time na siya ang unang nag-open ng topic habang kasama namin si Gian kumain.


"Oo naman," sabi ko.


Hindi ko pa alam kung kailan at saan pero um-oo na ako, sana lang talaga ay hindi ako mapasubo dito kasi baka mamaya hindi ko pala mapanindigan. But, I will make sure na kahit kailan at saan pa 'yan ay gagawa ako ng paraan!


"Next Wednesday sa MOA, free ka ba n'on?"


"Ah o-oo free ako n'un," hindi ko siguradong sabi.


Kung hindi 'man ay gagawin kong free.


Narinig ko namang tumikhim si Gian, at nag-panggap na lang akong hindi ko iyon narinig; salungat naman kay Larson na napatingin sa kanya.


"Manunood rin ako," deklara naman niya.


Dahil sa sinabi niya ay napatingin na talaga ako sa kanya, at bakas sa mukha ko ang pagprotesta at siya naman ngayon ang bumalewala sa akin.


"Bakit? UE kalaban namin doon at hindi UST," sabi naman ni Larson.


Umayos nang pagkakaupo si Gian bago nagpatuloy, "Gusto ko lang manuod, masama ba?"


"Wala na akong extra pang ticket," walang ganang sabi ni Larson.


"Wala naman akong balak humingi sa'yo, I can buy one," mayabang na sabi ni Gian.


Napa-awang ang bibig ni Larson at ganoon rin ako kasi hindi ko inaasahan na ipapakita nanaman niya yung pagiging bastos niya. Parehas na matalim na ang tingin nila sa isa't isa kaya kinabahan naman ako.

Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon