A M E T H Y S T
Nang makapasok kami sa cafeteria ay nasa amin na agad ang mata ng lahat.
Masama ang tingin sa akin ng iba.
'Diba dapat bawal na dito si Amethyst?'
'Witch'
'Ang gaganda at gagwapo nila.'
'Pare chicks oh!'
'Ang ganda ng mga buhok at mata nila.'
Inaya kami ng kambal sa isang table na may dalawang babae.
"Twins! Kain na kayo." yung Andrea yata
"Wait may kasama kami na ikagugulat nyo." Kathleen. Napatinhin naman sa amin ang dalawang babae at agad nanlaki ang mata. Akmang magba-bow na sila ng pigilan namin.
"Huwag na kayong yumuko, baka may makakita, isa pa nasa ibang mundo tayo kaya pantay pantay lang tayo dito."
"Ahh... Hi. I'm Katelyn Dixon, Katelyn Stone ang tunay kong pangalan, Light User, Object Manipulation, ang ability ko. Galing Ellesmere." mukhang hindi nya ako napansin.
"Hi, I'm Andrea Lewis, galing naman akong Holland, Invisibility ang ability ko." ngiti nya.
Ginawa kong invisible sa mata ng iba ang magic wand at saka ko ito nilabas. Umilaw nga. Kaya yung tatlo nagtatalon at yinakap ang dalawa.
Umupo na kami, malaki naman ang table kaya nagkasya kami.
"Katelyn" tawag ko sa kanya, nagulat naman sya sa akin pero agad din ngumiti.
"Nakilala mo na pala ang tunay mong pagkatao." ngiti nya na ipinagtaka ko.
K A T E L Y N
"Katelyn" nagulat ako ng makita ko si Amy, sya ang kaibigan ko dito. Nginitian ko din naman sya agad.
Ako si Katelyn Dixon o Katelyn Stone, apat na taon na akong nandito sa mortal world dahil wala na akong pamilya, tagapagsilbi ng elemental palace ang mga magulang ko noon pero namatay sila sa digmaan.
Inampon ako ng may ari ng paaralan na ito dahil wala silang anak.
Nang mag-aral ako dito ay doon ko nakilala si Amethyst, nagulat din ako sa pangalan nya pero ang gaan ng loob ko sa kanya. Una palang alam ko ng elementalian sya dahil ang lakas ng aura nya noon.
Nung lumabas ang kapangyarihan nya, nasa cafeteria din ako at ipagatanggol sana sya sa queen bee noon kaso huli na.
Lumabas ang kapangyarihan nya ng hindi nya alam, Yelo, apoy, hangin, lupa tubig at liwanag. At tama nga ang hinala ko, siya ang nawawalang si Prinsesa Amethyst Aphrodite.
Kaya hindi na ako nagulat ng mawala sya sa school dahil posibleng nasa Elemental World na sya.
Nung umalis sya, doon ko naman nakilala sila Andrea at ang kambal.
At masaya ako ngayon dahil kasama na nya ang tunay nyang pamilya, pati ang royalties.
Pero ang ipinagtataka ko ay bakit humina na ang aura nya?
"Nakilala mo na pala ang tunay mong pagkatao." ngiti ko na ipinagtaka nya pati ng iba.
"Huh?" tanong nya.
"Hindi ba't ikaw si Pri-"
'Don't tell her. It's not the right time.' dinig kong boses ni Prince Eirwin kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin din ito ng seryoso sa akin.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Princess
FantasyPrincess Series #1 AMETHYST AMETHYST: Elemental Kingdom Princess She is Amethyst Aphrodite, she is a beautiful woman and has a good heart and mind. A loving daughter and friend. As she enter the world of magic, many things will change. Happy life w...