Chapter 31

6K 251 0
                                    

A M E T H Y S T

"Amethyst, I lo--" natigil sya at umiling, "I-I... I..." he sighed.

"Nothing!" dugtong nya at ibinalik ang tingin sa dagat.

Anong 'I'? Ano ba dapat ang sasabihin nya?

Napangiwi nalang ako at sumandal sa balikat nya dahilan ng pagtingin nya sa akin.

"Bakit mo nga ako dinala dito? Para sabihing... Nothing?" tanong ko at mahinang tumawa, kumorte namang sa labi nya ang maliit na ngiti.

"Hindi, ipapakita ko lang sayo kung saan tayo ikakasal." bulong nito.

"Ha? Anong sinabi mo? Paki-ulit. 'Di ko narinig!" totoo naman eh, hindi ko narinig. Bakit kasi binubulong?

"Ang sabi ko, maganda ka sana kaso bingi lang."

"Tse!"

"Itong Thousand of Roses ang tambayan ko, nadiscover ko ito when I was 15 years old. Gusto ko, dito ako ikakasal sa babaeng pinaka-mamahal ko." kwento nya na nasa dagat na padin ang tingin.

"Eh bakit nga ako ang dinala mo dito? Ako ba papakasalan mo?" tanong ko at humiga na sa lap nya, ang sakit na ng leeg ko eh.

Lubus-lubusin mo na, Amethyst. Ngayon ka lang makakahiga sa lap ni crush, pagbalik namin mamaya sa dorm, yelo na yan!

"Masyado ka ng obvious, Aphrodite. Kanina sa balikat ko lang, ngayon sa lap ko na." ngisi nya.

"Tse! Bakit mo nga ako dinala dito? Ako ba papakasalan mo?" tanong ko at rumehistro ang napakalaking ngiti sa labi ko.

"Papayag ka ba? Papakasalan mo ba ako?" tanong nya dahilan ng pagtingin ko sa mata nya na nakatitig sa akin. Nakangiti sya, mukha syang anghel. Ngiti na abot langit. Kung sana ay laging sya ng nakangiti, baka pati lalaki sa academy ay mahuhulog sa kanya.

Pero 'di ko akalain na sasakyan nya ang tanong ko.

"Prinsesa ang nararapat sayo. Hindi ang isang ordinaryong babaeng kagaya ko." ngayon ay malungkot na ngiti naman ang ibinigay ko.

Pumula naman ang mata nya at nawala ang magagandang ngiti sa labi, bumalik ito sa seryoso at malamig na mukha.

A I D E N  Z A C H

"Prinsesa ang nararapat sayo. Hindi ang isang ordinaryong babaeng kagaya ko." pagkatapos banggitin ay isang malungkot na ngiti ang ibinigay sa akin.

Hindi, Hindi pwede. Sya ang mahal ko. Kahit kailan ay hindi pwedeng diktahan ang puso. Sya lang ang mahal ko at hindi magbabago iyon.

"Hindi lahat ng prinsipe ay kailangan ng prinsesa. Hindi nadidiktahan ang puso, Aphrodite. Kahit na nakatakda para ako sa kahit na sinong prinsesa, ang babaeng mahal ko lang ang papakasalan ko." ngumiti naman ay sa sinabi ko.

"Pero alam kong hindi ako ang babaeng mahal mo." bitter nyang sabi kaya napakunot ang noo ko.

Bakit ba ang manhid ng babaeng to? Hindi pag ba obvious na siya ang mahal ko?

Pero kasalanan ko din naman dahil natotorpe akong sabihin sa kanya.

Pagdating sa kanya, torpe ako.

"Aphrodite, paano kung may isang tao na mahal na mahal ka? May pag-asa pag ba sya sayo?" biglang tanong ko.

"Siguro? May mahal ako, pero parang hindi naman ako ang mahal nya."

"Sino ba kasi ang mahal mo?"

"Secret. Kahit naman sabihin ko sayo, hindi na mababago yun."

A M E T H Y S T

Hapon na ng maka-balik kami ni Zach sa dorm, tinadtad nanaman kami ng tanong ng mga royalties at ni Kate, pero ang prinsesa, magdamag na naka busangot.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, o dating kwarto ni Kate, lumipat sya kay Carol kaya sila ang magkasama doon.

11 na ng gabi at hindi pag din ako dinadalaw ng antok. Papalit-palit ako ng pwesto, harap sa kanan, harap sa kaliwa, upo. Hindi talaga ako makatulog.

Napabangon nalang ako ng may biglang bumaksak. Agad kong binuksan ang lamp ko para tignan kung ano ang nahulog.

Pagtayo ko ay binuksan ko ang ilaw sa buong kwarto at dumapo ang tingin ko sa napakalaking libro sa lapag katapat ng bookshelf ko.

Agad akong lumapit doon at kinuha ang libro, umupo ako sa kanto ng kama ko at sinuri ang libro. Luma na ito, malaki, kasing laki ng Sacred Book. Binuksan ko ito at mabuti ay hindi kagaya ng Sacred book ay kailangan pag ng dugo.

Sa unang Pahina ay may nakasulat na "Prophecy Book"

Paanong napunta ang libro ng propesiya sa kwarto ko? Hindi ba't dapat ay may mga matataaas na katungkulan ang may hawak nito?

Inilipat ko ito ng pahina. Paglipat ko palang ay agad na umilaw ang libro kaya napatakip ako ng mata. Kasabay ng paglutang ng bawat letra na nagmula sa libro ay ang isang hindi pamilyar na boses ang nagbabasa nito.

"Dumating na ang nagpapanggap,
Lalabas na ang tunay na kapangyarihan,
Makikilala na ang pekeng pamilya,
Magiging prinsesa ng kadiliman,
Kaibigan laban sa kaibigan,
Nasa harap na pero humanap pag ng iba.

Ang pagkilala sa pekeng pamilya ang magbibigay ng pagkakataon na baguhin ang takbo ng mundo.

Tatalikuran ang tinuring na reyna,
Magbabalik ang tunay na hari,
Makikilala na ang tunay na prinsesa,

Nasa huli nga naman ang pagsisisi."

Ano nanaman ba ito?

Bakit ako palagi ang nakakabasa ng mga ganito?

Anong koneksyon ng lahat ng ito sa akin?

Ako ba?

"Ako ba ang itinakda?"

**********
The Grass
Withers & the flowers
Fade. But the word
Of the Lord
Stands forever.

Isaiah 40:8

The Long Lost Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon