Andrea's POV
"HM!!" sigaw ko ng makapasok sa opisina nito. Napatawa naman ako ng makitang mahulog ito sa upuan dahil sa gulat.
"Hindi ka ba marunong kumatok, Ms. Lewis?!" sigaw nya sa akin at inayos ang tayo kaya nag-peace sign ako. "At bakit mukhang tinakbo mo ang Academia mula sa Enchanted?!" sabi ni HM at mahina akong tinawanan.
Napatingin ako sa salamin malapit sa akin, gulo-gulo nga ang buhok ko at mukhang tinakbo ko mula Enchanted.
Eh paano ba naman kasi, "kasi HM may babaeng humablot sa akin kanina. Ang sabi ah sabihin ko daw sa inyo na ano mang oras ay maaring sumugod sa atin ang mga darkens gaya ng ginawa nila noon. Bantaan ko daw kayo." paliwanag ko, totoo naman eh.
FLASHBACK...
Paglabas ko ng karwahe na sinasakyan ko ay naglakad na ako papasok ng akademya.
Ako muna ang bumalik dito at nasa palasyo pa sila dahil wala pa ding malay sila Darya. Ngayon alam ko na kung bakit ganon na lang sila maloko ng impostora na yon.
Habang naglalakad ay may biglang humablot sa akin at hinila ako sa likod ng isang gusali dito sa Academia.
Naka-kulay lila sya na kasuotan na natatakpan ng kulay itim na cloak. Naka hoodie din sya at may takip ang kanyang mukha, mata lang ang kita. Kulay lila din ang mata nya at purong kulay lila din ang buhok nya.
"S-sino ka? A-anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya ng tanggalin nya ang kamay nya sa bibig ko. Tumingin muna sya sa paligid bago magsalita.
"Sabihan mo sa lahat na maghanda, ano mang oras ay maaring sumugod ang darkens dito. Maghanda kayo at mag-ensayo. Mayroon silang hawak na alas." sabi nya. Napatulala nalang ako sa sinabi nya kaya hindi ko na namanlayan na wala na pala sya sa harap ko. Paglingon ko sa likod ay paalis na sana sya ng tawagin ko syang muli.
"Sino ka?" tanong ko. Bahagya itong lumingon sa akin.
"Just call me, Miss A." sabi nya at naglaho.
Nang mapagtanto ko ang lahat ng sinabi nya kanina ay agad kong tinakbo ang opisina ni HM.
END OF FLASHBACK...
"Paano nya nalaman na susugod sa atin ang darkens?!" tanong ni HM. Oo nga, nakakapagtaka at alam nya ang kilos ng mga darkens.
"Wala ka bang ipinadalang espiya sa Dark Kindom, HM?" tanong ko, napakunot naman ang noo nya.
"Hindi. Wala. Hindi tayo ganon makipaglaro. Walang dayaan--"
"Pero nangdaya sila. Ipinadala nila ang pekeng prinsesa na yon. At hindi ko man kilala kung sino ay alam kong may espiya din sila dito." pagpuputol ko kay HM.
"Kahit na. Hindi tayo marumi maglaro upang magpadala ng espiya doon. Magpapatawag ako ng pagtitipon ngayon upang mabantaan ang lahat. Bumalik ka ng palasyo at ipaalam mo sa iyong mga kaibigan na kailangan natin ang tulong nila sa magagananp na labanan sa oras na sumugod ang darkens."
Third Person's POV
Matapos ipatawag ng HM ang lahat ng estudyante at binigyan sila ng pagkakataon ng HM na ihanda ang sarili at mag-ensayo.
Kalat ang mga estudyante sa academia dahil sa pag-eensayo. May mga ilang nakikipag-labanan, nagpapalakasan, at tumutuklas ng bagong kapangyarihan.
Habang sa palasyo ng Elementalians, madami ng manggagamot ang ipinatawag ang mga hari at reyna upang tumingin sa kanilang mga prinsesa't prinsipe. Ngunit parepareho ang sinasabi nitong nag-iisang lunas lamang ay ang pinaghalong bulaklak ng buhay at dugo ng prinsesa Amethyst.
Mahirap makahanap ng bulaklak ng buhay dahil sa mga paraiso at kaharian lamang ng mga dyos at dyosa mayroon noon. At hanggang ngayon ay hindi pa din nila alam kung sino ang tunay na prinsesa.
Kate's POV
"Bakit hindi natin sabihin kay Amethyst? Kailangan natin ang dugo nya para sa lunas nila Alira." suhestyon ni James.
"Iyon na nga, pero madami naman ang magtataka kung bigla nalang natin ibibigay ang lunasa kila Alira. Isa pa wala tayong hawak na bulaklak ng buhay." sabi naman Alexa.
"Kila Goddess Mauve?" si Leen.
"Hindi ganon kadali yon Leen." si Rine.
"Isa pa nagdududa na ako sa pamilyang sinasabi Mi Amethyst." napatingin naman kami sa seryosong si Jacob ng magsalita ito.
"Ako din. Sino naman ang magpapakilalang pamilya nya?" Carol.
"Nawawalan din sya ng oras sa atin. Hindi na sya masyadong sumasama sa atin at minsan ay malamig pa ang pakikitungo nya." si Alexis.
"Kailangan natin malaman lahat ng nangyayari sa kanya dahil baka magkagulo na." si Liam.
Hayyssttt. What's happening to this world?!
Amethyst's POV
"Bakit tila hindi maipinta ang mukha mo, ina?" tanong ko ng makapasok sa kanyang opisina. Sandali lamang akong tinignan nito at hinagod mili ang sentido.
"They ruined my plan! Aaarrggghhh!!! Nalaman na nilang peke si Trixie! Worst is... Hawak sya ng Elementalians!"
"So? Trixie is Trixie! Hindi sya kawalan!" matalim naman nya akong tinignan.
"Kawalan si Trixie! Tapat sya sa akin at isa sa pinagkakatiwalaan ko!"
"Sino ba sa amin ang anak mo?"
Bahagya syang kumalma sa narinig. Tumayo ito at lumapit sa akin tsaka ako niyakap.
"Sorry. Sorry, anak."
"Ina, huwag kang padalos-dalos sa desisyon. Inisip mo na madaling pabagsakin ang elementalians dahil wala ang prinsesa nila. Minaliit mo sila, inisip mong mahina sila kaya kinukuha mo ang pagkakataon na kalabanin sila, pero hindi mo napapansin. Lahat ng iyon ay sa isip mo lang, ang totoo ay mas kaya nila tayong pabagsakin. Kahit wala ang prinsesa nila, LIMANG kaharian laban sa ISA? sa tingin mo, mananalo tayo?"
**************
Let no one split apart
What God has joined together.Matthew 19:6
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Princess
FantasyPrincess Series #1 AMETHYST AMETHYST: Elemental Kingdom Princess She is Amethyst Aphrodite, she is a beautiful woman and has a good heart and mind. A loving daughter and friend. As she enter the world of magic, many things will change. Happy life w...