A M E T H Y S T
"Diba sabi ko sayo noon, papakasalan kita, hintayin mo lang ako." sabi ni Zach habang naka unan sa kandungan ko ang ulo nya at nakatitig sa mga mata ko.
"Wala akong matandaan na sinabi mo sa akin yon, Aiden Zach."
"Ibig sabihin, hindi mo talaga kilala ang..." hindi pa sya tapos magsalita ay may inilabas sya sa kanyang bulsa na isang panyo na may nakaburdang 'Aphrodite.'
Tapos ay kinuha nya ang kanang kamay ko kung saan nakasuot sa daliri ko ang singsing na ibinigay sa akin noon ni.. Zaden.
"Nangako ako, hindi ba, Aphrodite"
"Teka.. paano-" umupo sya sa pagkakahiga at dinampian ako ng halik.
"I'm Zaden, Zach Aiden." sabi nya habang hawak ang magkabila kong pisngi. "And I'm your secret admirer. Ako din yung nakasayaw mo sa grand ball."
"Ikaw lang pala ang lalaking matagal ng gumugulo sa isip ko!" saad ko at pinag-dikit ang noo naming dalawa.
"Ikaw nga eh, sobra na. Pati puso ko ginulo mo!"
"Psh!" singhal ko, pilit pinipigilan ang ngiti at kilig pero hindi ko kinaya.
"Pfft.." pagpipigil nya ng tawa kaya sinamaan ko ng tingin.
"Tse!" tatayo na sana ako pero hinila nya ulit ako pabalik sa kanya, ako naman ang naka-upo sa kandungan nya habang sya ay naka-upo sa damo. Nandito kasi kami sa hardin.
"Biro lang, dito ka muna sa tabi ko." sabi nya at niyakap ako patalikod at isiniksik ang mukha sa leeg ko.
Walang nagsalita sa amin, pero mayamaya ay sya din ang bumigay at bumasag sa katahimikan.
"Aphrodite.."
"Hmm?"
"Will you marry me?" sa tanong nya ay muli ko syang nilingon.
Tinitigan ko muna sya sandali, seryoso ang mga mata nya na nakatitig din sa akin, ang labi nya ay naka nguso na parang bata.
"Kahit naman hindi mo ako tanungin, ikaw at ikaw pa din ang pakakasalan ko. Papayag lang akong magpakasal sa iba kung madodoble ka." sagot ko.
Ngumiti sya at hinalikan ako na tumagal ng ilang segundo bago sya kumalas.
"Mahal kita."
"Mahal din kita!" sagot kong muli.
"Ikakasal na ang baby ko, kakasama lang natin, ikakasal ka na agad." sabi ni mama habang sinusuklayan ako ng buhok.
"Mama, ayos lang yan, I'm still your baby naman eh kahit na ikasal na ako."
"Hah! No! Hindi na ikaw ang baby ko!" sabi nya.
"Mama!"
"Syempre magkaka-apo na ako sa inyo ni Aiden, iyon na ang bagong baby ko." sabi nya kaya napasimangot nalang ako. "Biro lang, kayo ng mga magiging apo ko ang baby ko."
"I love you ma."
"I love you too, baby ko." Sabi nya at nginitian ako sa salamin sa harap namin.
Napatingin naman kami sa likod ng pumasok si papa at kuya.
"Ang gaganda ng reyna at prinsesa ko." sabi ni papa.
"Papa, kuya!" Hinalikan nila kami sa noo.
"Syempre mana sa akin ang mga anak natin." sagot ni mama kay papa.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Princess
FantasyPrincess Series #1 AMETHYST AMETHYST: Elemental Kingdom Princess She is Amethyst Aphrodite, she is a beautiful woman and has a good heart and mind. A loving daughter and friend. As she enter the world of magic, many things will change. Happy life w...