Aiden Zach's POV
Matapos nyang sabihin ang mga katagang iyon ay bigla na lamang itong naglaho.
Ilang minuto ko pang tinitigan kung saan ko sya huling nasilayan, hanggang sa isang kawal ng palasyo ang lumapit sa akin.
"Mahal na prinsipe! Ang mga prinsipe't prinsesa!"
"Aning nangyari?" tanong ko.
"May mga hindi pangkaraniwang sugat ang lumalabas sa kanilang katawan."
Pagkarinigko noon ay tinakbo ko na ang daan papasok ng palasyo patungo sa kanilang mga silid.
Pagpasok ko sa silid nila Aster ay nakita ko doon ang kanilang mga magulang at isang manggagamot ng palasyo.
"Hindi pangkaraniwan ng mga sugat na ito, mahal na reyna. At wala din akong ibang maibibigay na lunas sa inyo kundi gaya pa din ng sinabi ko noon." dinig kong sabi ng manggagamot.
Lumabas naman ako pumunta sa silid nila Darya, nandoon din ang kanilang mga magulang at ganoon din ang sinabi ng manggagamot.
Napaiyak na lamang ang mga reyna. Hindi alam ang gagawin.
Naalala ko naman ang nagyari kanina.
"Hindi ko nais magtagal dito, ginoo. Nais kong ipa-inom mo ito sa iyong mga kaibigan na nahihimbing ang tulog. Ilang oras ay magkakamalay na sila."
Napatingin ako sa mga kamay ko na hawak ang apat na bote na may kulay asul na likido.
Wala naman sigurong mawawala kung ipapainom ko ito sa kanila. Baka nga ito talaga ang lunas.
Lumapit ako sa kanila na umagaw ng kanilang atensyon. "Mas mabuti kung magpahinga muna kayo tita, tito."
"Aiden, sa tingin mo ba ay makapag-papahinga kami ng ganyan ang kalagayan ng anak namin."
"Shhh... Tita, tama po si Aiden. Huwag kayong mag-alala, kami ng bahala sa kanila." sibi sa kanila ni Aella at nginitian. Tumingin sya sa mga kawal, "Ihatid nyo na sila." utos nya sa mga ito.
Ng maka-alis na sila tita at tito ay agad kong inilabas ang dalawang bote ng lunas, napansin naman iyon ni Aella kaya sya lumapit.
Sinigurado nyang wala ng ibang makakakita sa amin bago nya kinuha ang isang bote sa kamay ko at sinuri ito, "Ano ito, Aiden. Bakit ka mayroon nito?"
"Iyan ang lunas kila Darya..." sa aking sinabi ay agad na ng laki ang mata nya.
"Ano?! Pa-paanong?"
"Maging ako ay hindi ko alam, may nagbigay lamang sa akin na isang...." muli kong inisip ang napakagandang wangis ng binibining aking nakita kanina, hindi ko man makita ang kanyang buong mukha ay alam kong.. "Napakagandang binibini."
Kumulunot naman ang noo ni Aella ngunit pinipigilan ang ngiti na hinampas ako sa braso. "Pfft. Inlove ka nanaman?"
"Hindi ah! Alam mo namang may mahal na ako!"
"Sino si Amy?" tanong nya ng mapanuksong ngiti sa mukha. Psh!
Sinamahan ko sya ng tingin at nag-labas ng apoy sa aking palad, agad naman syang umiwas at ngumiti ng malapad sa akin.
"Bakit hindi nalang natin ipa-inom ito kila Alira ng sa ganon ay may kasama na akong mang-asar sa iyo." sabi nya at isang beses pa akong sinulyapan. "Kung ito nga ba ang lunas!"
Lumapit sya kay Darya at ako naman ay kay Alira, binuksan ko ang bote at marahan ko itong ipinainom sa kanya, ganon din si Aella kay Darya.
Ilang segundo pa kaming naghintay ng mapansin naming nawala ang mga sugat nila sa katawan, at unti-unting bumukas ang kanilang mata.
Agad naman lumapit sa kanila si Aella kahit na hindi pa tuluyang nakakarecover sila Darya ay agad nsyang yumakap dito kaya napangiti nalang ako.
Third Person's POV
"HM! Gising na daw po sila Darya at sila Aster!" sigaw ng limang lalaking sila Jacob, James, Cleb, Liam at Luke ng makapasok ito sa opisina ni HM.
Agad naman napatingin sa kanila ang punong guro na kanina pa pinagmamasdan ang paaralan sa malaki nitong salamin.
"Paano?" kunot noong tanong nito sa tatlong binata.
Sa isip ay imposibleng mangyari iyon dahil wala naman silang makukuhaan ng lunas.
"Hindi din po namin alam. Nagpadala lamang ng mga kawal dito si Aiden upang ibalita sa amin ang nangyari." sabi ni Caleb.
"Ayon sa kawal ay nakita daw nila na may kausap na misteryosong babae si Aiden kanina na sa tingin nila ay ang nagbigay ng lunas." dugtong naman ni Jacob.
Sa sagot ng mga ito ay lalong napakunot ang noo ng HM, palaisipan kung sino ang babae.
"Gising na daw sila Darya!" balita ni Kathlyn sa mga kaibigan ng makapasok ito sa kanilang dorm.
Naagaw naman nya ang atensyon ng lahat dahilan ng pagtayo nila sa kinauupuan.
"What? Kailan pa? Sino nagsabi? Paano?" sunod-sunod na tanong ng mga ito.
"I don't know, may nagsabi lang sa amin kanina na kawal na pinadala dito ni Aiden para balitaan tayo."
"Mas mabuti pa kung pumunta na lamang tayo ng palasyo." sabi naman ni Katherine.
Nakarating ang magkakaibigan sa palasyo at agad na tumungo punong bulwagan kung saan naroon ang reyna na naka-upo sa trono at ang iba pang reyna at hari. Nandoon na din ang mga kaibigang prinsesa at prinsipe.
Maliban sa isa pa nilang kaibigan.
Agad na lumapit sila Darya, Alira, Chand at Aster sa mga bagong dating n kaibigan at niyakap ito.
"Sorry. Patawadin nyo kami kung mas naniwala kami sa Trixie na yun. Pati kayo ay inaway pa namin." panghihingi ng tawad ni Alira.
"Oo nga. Sorry kung hindi kami nakinig sa inyo." sabi naman ni Chand at bahagya silang yumuko.
"Ayos lang. Hindi nyo naman sinasadya. Nilason kayo, hindi nyo desisyon iyon." ngiti naman sa kanila ni Kate at muling nagyakapn ang magkakaibigan.
"Teka, nasaan si Amethyst?" tanong ni Aster ng mapansing wala and dalaga.
Nagkatinginan naman silang lahat at nagkibit balikat. "Simula noong mawala sya, hindi na sya masyadong nakakasama sa amin." sabi naman ni Carol.
"Naging cold na din sya." sabi naman ni Aiden.
"Kagaya mo." dugtong sa kanya ni Alexa. Bahagya naman natawa ang magkakaibigan.
"Alam nyo, na miss ko kayong lahat! Yung tawanan at asaran, yung ganitong set up. Sayang nga lang at wala si Amethyst..." naputong ang sinasabi ni Darya ng may yumakap sa kanila ni Alira.
"Sino may sabing wala ako?" nagpatingin sila sa dlaga na pumagitna sa kanila ng yakap.
"Amy! I miss you!" pabalik naman syang niyakap ng dalawang prinsesa.
"Amethyst!" bati sa kanya ni Aster at Chand na nginitian nya.
"Amy, sorry-"
"It's okay. Mabuti pa kung kakalimutan nalang natin iyon." sabi ng dalaga at muli silang nagyakap na magkakaibigan.
"I miss you all." bulong pa nito sa mga kaibigan.
**********
I remain confident of this:
I will see the goodness of the Lord
In the land of the living.Psalm 27:13
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Princess
FantasyPrincess Series #1 AMETHYST AMETHYST: Elemental Kingdom Princess She is Amethyst Aphrodite, she is a beautiful woman and has a good heart and mind. A loving daughter and friend. As she enter the world of magic, many things will change. Happy life w...