Chapter 1.3

150 15 13
                                    

Habang pinaghahandaan ko ang mga lessons namin para bukas ay biglang tumunog na naman ang cellphone ko.

Unknown number:
It is nice to meet you again Shaze!

Wala akong kaide-idea kung sino ba itong unknown number na ito.

"Marami naman akong nakilala kanina pero hindi ko naman binibigay kung kani-kanino ang number ko. Sino naman kaya ito?" Takang tanong ko habang inaalala kung sino ang unknown number na ito kasi ang nakausap ko lang naman ngayon ay sina Ma'am Heil, Ma'am Apple, Kuya Lind (Kuya Guard), Kuya Jet, Ma'am Ely, and si Gavin.

Si Ma'am Heil, hindi, kasi kakausap pa lang namin kanina. Si Ma'am Apple kakatext pa lang niya sa akin. Wala rin naman akong number kina Kuya Jet at Kuya Lind. At lalong mas malabong itext ako ni Gavin ng ganoon dahil alam kong nag-aaral siya sa mga oras na ito. Isa lang ang nasa isip ko ngayon at iyon ang lalaki na nagbalik ulit sa tahimik kong buhay, nagpapabilis ng tibok ng puso ko, nagpapaiyak sa akin ng walang dahilan, umaapaw sa kagwapuhan ngunit sumobra sa kasungitan, at iyon ay walang iba kung hindi si Breeze Ryte Theodon.

Ayoko mag-assume kagaya ng ginawa ko dati na napunta lang sa wala pero siya lang kasi talaga yung nakita ko ulit kanina. Lahat ng binanggit ko except for Breeze is palagi kong nakakausap o di kaya ay nakikita araw-araw.

Naguguluhan man ako kung sino ito pero nireply-an ko pa rin sya. Pero may part pa rin sa akin ang umaasa na sana si Breeze nga talaga iyon.

Me:
Yes this is Shaze, sorry to say this but do I know you?

Magpapatuloy na sana ako sa pagrereview ulit para sa Reading and Writing ng mga bata nang marinig ko ulit na magring ang cellphone ko.

Unknown number:
It is really nice to meet you but I think how bad of you to easily forget about me, Shaze.

Wow! Ako pa talaga ang naging masama, I really do not have any idea kung sino ba ito. Baka si Breeze ito pero ayoko talagang mag-assume. Kasi naman minsan kapag magchachat yon dati, palaging may 'eh' sa mga message niya kaya feeling ko hindi siya ang unknown number na ito.

Me:
Excuse me?! Would you mind if you will introduce yourself to me because honestly, I do not have some time to think who you are.

Syempre umatake na naman ang pagiging masungit ko. Ganyan kasi ako minsan kahit nung high school pa kami. Laging first impression sa akin ng mga kaklase ko noon is mukha daw akong masungit dahil minsan lang daw kasi akong ngumingiti. Kaya nga daw siguro kapag nagkakasalubong kami ni Breeze ay hindi ako nito nginingitian sabi naman ng kaibigan ko na si Ate Ace na isang interior designer ngayon, palagi daw kasi akong walang reaction kapag naglalakad ako sa corridor kaya baka daw nahihiya sa akin na ngumiti si Breeze.

Nagring ulit ang cellphone ko pero this time tinapos ko na muna ang pagrereview ko sa lesson and activities namin for tomorrow, malapit na kasi mag four. So kailangan kapag umuwi na si Kale, tapos na ako sa lahat ng gawain ko dahil alam ko na magpapatulong sa akin yon sa assignment niya syempre kapag hindi niya kaya mag-isa.

After 20 minutes tapos ko nang ireview and isettle lahat ng need gawin bukas. Sa Reading and Writing nila, syempre sounds of letters sa reading and spelling naman sa writing. Next, yung performance task nila sa Science which is to bring their favorite toy na may kinalaman sa body parts. And lastly, Math, short activity lang sa book nila about sa diniscuss ko ngayon.

Tinignan ko muna ulit ang schedule ko for tomorrow sa memo ko and naalala ko na namove nga pala ang oras nila bawat subject kaya binago ko ang time.

After Five YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon