Chapter 12

602 28 2
                                    


Taliwas kay Otep ang kinalakihan ni Mia, dahil panganay ito at unang apo, kinagiliwan ito ng mga lolo at lola nito. Ibininigay lahat ng kailangan nito nuong bata pa, hindi rin ito makuhang mapagalitan o mapalo ng mga magulang dahil ikinagagalit iyon ng mga lolo at lola nito.

Nasunod ang layaw ni Mia habang lumalaki. Hindi ito natuto ng mga gawaing bahay dahil sadyang hindi ito tinuruan ng mga magulang niya. Dati silang may katulong na siyang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay habang ang mga magulang nito ay parehong nagtatrabaho.

Nang tumuntong nang high school si Mia ay saka lamang ito tinuruan ng magulang niya na maglinis man lang o magligpit ng pinagkainan. Gumagawa lamang si Mia ng gawaing bahay kung ito ay may kapalit, gaya ng mga bagong gaheto o pampaarte sa katawan. Naging maluwag din ang mga magulang nito sa kanyang pakikipagnobyo, kaya't nuong nasa ikaapat na taon pa lamang nito sa high school ay naibigay na kaagad nito ang katawan sa naging nobyo.

Hindi rin nagtatagal ang pakikipag-boyfriend nito dahil nais niya na siya lamang ang laging inaalala at iniintindi ng kanyang mga nagiging nobyo. Sa simula lamang nito ipinapakita na katuwang siya sa pagpapapayabong ng kanilang relasyon, subalit kapag lumaon na ay ang nagiging nobyo na lamang nito ang sumasapo ng lahat. Nag-aasal bata pa din ito na ang nais ay masunod lagi ang bawat kanyang naisin.

Sa payo ng mga nagiging kabarkada at kaibigan, sinasabi ng mga ito kay Mia ang kanyang pagkakamali at kakulangan kung bakit hindi ito tumatagal sa isang relasyon. Pinakikinggan naman ito ni Mia subalit may mga ugali pa din itong hindi nawawala na nakadikit na sa kanyang sistema.

Nang makilala ni Mia si Otep ay sinabi niyang muli sa sarili na magbabago na siya kung sakaling magiging nobyo niya ito. Siya din ang gumawa ng paraan upang mapalapit kay Otep. Bata man sa kanya si Otep, pero nakita niya dito ang mga katangiang wala sa mga naging nobyo niya. Nasumpungan niya dito ang pagiging maginoo na bihira na sa mga nakikilala niyang lalaki at responsableng tao na may pangarap sa buhay. Dahil na din sa kanyang kapusukan, nahalina niya si Otep sa kanyang alindog at kinalaunan nga ay nagbunga.

Dahil nasa kanyang poder, hindi nakakalimot si Crisanta sa mga pangangailangan ng kanyang pamangkin na si Tintin. Mula sa gatas nito, diaper, vitamins at ng mga damit nito. Maliit pa ay marami ng inilaang damit si Crisanta sa bata para sa paglaki nito.

Hindi naman nawala kay Mia ang pagkahilig sa mga gamit na pansarili na madalas niyang iniuungot kay Otep.

"Beb, wala pa 'kong allowance," ani Otep. "Tinitipid ko nga ang baon ko para sa 'yo kaso walang-wala talaga 'ko ngayon. Kapag ibinigay ni Ate 'yung baon ko ng pang isang linggo sige ibibili kita nu'ng headban na sinasabi mo."

"Eh kung umorder na lang kaya ako sa online, para sure? Baka kasi iba mabili mo eh," giit ni Mia.

"Eh paano kung mataon na wala akong pera kapag dumating 'yung order mo? E di napahiya pa tayo. Hintay-hintay ka lang." Sumamo ni Otep.

"Sila mommy kasi ayaw akong bigyan ng pera eh, kakainis!" Umismid pa si Mia habang nakahiga sila.

"Eh 'di ba kabibigay lang sa 'yo nu'ng isang linggo? 'Yun yata 'yung ipinambayad mo du'n sa inorder mong airpods. Ang mahal naman kasi nu'n," saad ni Otep.

"Bakit kasi 'di mo subukang mag-working student Beb? Para naman nabibili natin 'yung gusto natin, hindi puro sa ate mo tayo umaasa. Kahit four hours lang isang araw. 'Di ba maraming fastfood sa tabi ng university? Lagi naman silang hiring. Tapos ako na bahala mag-asikaso dito sa bahay.  'Yung mga gagawin mo ako na ang gagawa." Suhestiyon ni Mia.

Bahagyang napaisip si Otep. Kung ang labas niya sa huling klase niya ay alas singko, mga alas diyes ay makakauwi na siya ng bahay, halos magkasunod lang sila ng ate niya ng uwi.

PISITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon