Chapter 47

594 40 15
                                    


"One hundred thousand daw Otep," tugon ni Crisanta nang tanungin siya ng kapatid tungkol sa kanyang danyos.

"Hah? Bakit napakalaki naman?" gulat na tugon ni Otep.

"Lahat ng nasira du'n sa 'yo pinababayaran."

"Eh hindi naman lahat ako ang nakasira ah," pangangatwiran ni Otep.

"Kahit na, lahat eh ikaw ang itinuturong nagsimula ng gulo, ang iniisip ko ngayon kung saan ako kukuha ng ipambabayad du'n."

Nakaramdam ng hiya si Otep sa kanyang ate. Batid niya ang problema nito sa pananalapi na idinulot ni Bryan. Pansamantala tuloy nawaksi ang isip niya sa sarili niyang problema.

Nahalata naman agad ni Crisanta ang pagkabahala ng kapatid. Sa edad nito at sa kasalukuyang pag-aaral, ayaw niyang mamroblema ito lalo at alam niyang malalim ang pinagdadaanan nito.

"H-wag mo ng intindihin 'yun Otep, "agap ni Crisanta. "Gagawan ko ng paraan, ang intindihin mo eh 'yung pag-aaral mo. Si Tintin, kapag may pagkakataon, ako mismo ang pupunta du'n kina Mia."

"Ate, hindi ako papayag na hindi ko makukuha si Tintin."

"Otep, hindi naman pababayaan 'yun ng lola niya du'n, basta kumalma ka lang. Saka kailangang malaman ng magulang ni Mia 'yung ginawa niya."

Walang nalilingid kay Cheska sa mga problema nila sa bahay. Nakaramdam siya ng habag sa kanyang kuya pero wala naman siyang maisip na paraan para makatulong siya dito.

Naikumpara pa ni Cheska ang sarili niya kay Mia. Nagmahal man siya at nabuntis pero sa lalaking mahal niya, hindi kung kanino lang. Nasabi din niya sa sarili na kung siya ang nasa kalagayan ni Mia, hindi na niya nanaisin pang tumingin sa ibang lalaki kung lubos naman ang pagmamahal na natatanggap niya sa taong mahal niya.

Gaya ni Otep, hindi niya lubos maisip kung bakit nakuha pa siyang lokohin ni Mia. Hindi man sila kasal pero legal na asawa na ang tingin niya dito. Hindi niya masyadong sineseryoso ang mga pagkukulangcl nito dahil mahal niya ito.

May punto si Mia na magselos dahil sa kagwapuhan ni Otep. May mga babae pa din na umaaligid dito kahit alam nang may asawa ito. Pero si Otep ang tipo ng lalaki na hindi mapagsamantala, hindi na lang niya pinapansin ang mga nagbibigay pa ng motibo sa kanya dahil laging nakatanim sa isip niya ang kanyang mag-ina.

Kaya sa nangyari, hindi lang ang ginawang pagtataksil ni Mia ang nagpapasakit ng kanyang kalooban, kundi ang nasayang niyang wagas na pagmamahal dito. Marami pa naman siyang pangarap para sa kanyang pamilya, kahit may anak na sila ay balak pa din niya itong pakasalan sa simbahan na pangarap ng lahat ng kababaihan.

Ngayon ay galit ang namamayani sa kanyang puso. Galit na may kahalong panghihinayang, kahit sinabi sa kanya ng kanyang ate na hindi ang tipo ni Mia ang dapat iyakan, pero hindi naman sa isang iglap ay makakalimutan niya ito, hindi dahil sa minahal niya ito, kundi sa maraming taon na pinagsamahan nila nito.

Isa pang inaalala ni Otep ay ang kanyang anak, marami na siyang kwento na nabalitaan at narinig tungkol sa mga batang produkto ng paghihiwalay ng mga magulang. Hindi niya papayagang mangyari iyon kay Tintin, lalo na at magkakaroon pa ng bagong anak si Mia. Paano na ang atensyon na kailangan ng kanyang anak? Buti sana kung kagaya si Mia ng ate niya, pero ni katiting ay walang pinagkamukha ng ugali ang dalawa sa loob-loob ni Otep.

"Diyos ko, bigyan n'yo pa po ako ng lakas ng pangangatawan at pagtibayin n'yo po palagi ang kalooban ko para makayanan ko po ang lahat ng mga pagsubok na dumarating sa buhay ko at sa 'king mga kapatid, "usal ni Crisanta habang ito ay nagdarasal bago matulog."

"Panginoon, alam ko pong makakayanan ko po ito basta lagi po Kayo d'yan sa tabi ko. Paglinawin mo po ang isip ng kapatid kong si Otep, kung ano man po ang makakabuti para sa kanya, gabayan N'yo po siya Panginoon at sana po maging malusog ang magiging anak ng kapatid kong si Cheska. Panginoon, tanggalin n'yo din po ang galit sa 'king puso, kung ito man po ang dahilan kung bakit may mga pagsubok akong pinagdadaanan, Panginoon tulungan n'yo po akong magpatawad."

PISIWhere stories live. Discover now