Chapter 3

389 21 0
                                    

Chapter 3

Outsider.

Nagising ako sa ingay ng bahay. Walang pasok ngayon pero kailangan kong gumising ng maaga para mag luto ng pag kain pero tinanghali ako kaya ang ingay ng bahay.

Tumayo ako at itinali ang buhok ko. Naghilamos mo na ako bago lumabas.  Pag ka labas ko ng kwarto ay nakita ako ang nag wawalang si papa.

Ganito nalang ba talaga palagi? Hindi ba pweding kahit isang araw lang hindi muna niya ako sisigawan? Kahit isang araw lang...

Matalim na mata ang ipinukol niya sa akin pag kalabas ko ng kwarto."Oh! Ang aga pa, Aella! Baka gusto mo pang matulog, matulog ka pa!"Sarcastic niyang sabi sa akin.

Yumoko nalang ako."Sorry po."Naglakad na ako papunta sa kusina para mag luto.

Natutulog pa siguro si mommy. Wala naman siyang pakialam sa akin kung mapano ako dito, kung mapatay man ako ng asawa niya.

Over naman siguro itong isip ko ngayon.

Alas syete palang ng umaga at himala ata na gising na ang magaling kong kapatid. Favorite yan, hindi pinapatrabaho kasi baka daw masaktan. Masaktan? Mas matanda pa sa akin yun ng tatlong taon tapos yun yung rason nila, masaktan?!

"Aella! Pakikuha nga ng phone ko, nasa kwarto naka charge, bilis!"Sigaw niya. Natapos ako sa pag sasaing at mabilis na kinuha ang cellphone niya sa kwarto na kalapit lang sa kwarto ko.

"She's living like a princess."Mahilang bulong ko sa sarili.

Maganda ang kwarto niya. Pink ang design, the wall is well painted and the bed, queen size, huh.

"Bakit may picture ni Keane, dito?"Kinuha ko ang litrato sa side table kung saan nakapatong din ang phone ni Chyna na naka charge.

Ganda din ng phone nito, yung latest sa iPhone ngayon. Princess nga pala, nakukuha ang gusto. Pag dating sa akin kasi wala silang pera.

Need to work on my own para lang mag ka pera ako, mabuti nalang din at nag papahiram naman sila Crystal at Shane ng pera sa akin.

Gusto niya ba si, Keane?

"Aella! Bakit ang tagal mo!"Rinig kong sigaw sa labas.

"Ito na."

Kinuha ko ang phone at inilagay ulit ang picture ni Keane sa table. Lumabas ako ng kwarto at mabilis na ibinigay sa kanya ang phone niya.

Natapos na lahat ng gagawin ko. Nandito ako kwarto naka tambay lang. Ako lang mag isa dito dahil may date daw si Chyna at umalis si papa at mommy, may pupuntahan daw.

Kinuha ko ang phone ko at humiga sa kama. Kahit na hindi naman queen size itong foam ko basta may mahigaan lang ako. Okay na yun.

Mabilis kong sinagot ang tawag galing kay Crystal.

"Jamming tayo?!"

Bungad niya agad sa akin. Si Crystal iyong kaibigan ko na mahilig kumanta. May mga instruments siya kaya marunong akong mag piano, violin at guitar. Teacher ko siya pag dating sa mga instruments.

"Saan kaba?"

"Nandito lang sa bahay. Walang magawa kaya hali kana dito, kanta nalang tayo."

Napangiti ako. Gusto ko ring kumanta ngayon.

"Maliligo lang ako. Si Shane ba?"

"Nandito, susunduin kanalang daw niya dyan."

Napaka swerte ko talaga sa dalawang to. Si Shane ay hindi mahilig kumanta, mas magaling siya sa sayaw kaya kaming dalawa ni Crystal ang mag kakasundo pag dating sa music.

Heartless (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon