Chapter 37

209 13 11
                                    

Pain

Pagkabukas palang sa pintoan ng kotse ay agad akong sinalubong ng mga reporters at fans. Mabuti nalang at nasa tabi ko si Kyzo at Bless at si Villa naman ay nasa unahan namin.

Hindi ko naman maiiwasang hindi marinig ang mga tanong na isinisigaw ng mga reporters at fan. Ang dami pang camera kaya medyo nahihilo ako.

"Ms. A, ano po ba talaga ang nangyari kay Mr. Sanchez?"

"Aella? Be strong and stay healthy."Isang maliit na boses mula sa babae ang narinig ko. Fan ata ako.

"Sino po yung babaeng kakarating lang din kanina, Ms. Aella?"

"Ms. Aella, sabi niya girlfriend daw siya ni Mr. Sanchez, totoo po ba 'yun?"

Habang nakayuko sa pag lalakad ay kinagat ko nalang ang aking labi sa mga tanong. Hanggang sa nakapasok na kami sa Ospital at mabuti nalang din na isinara ang glass door.

"You okay?"Kyzo immediately asked.

I nodded and hold the part of my hair that get messy.

Habang nag lalakad kami papunta sa kung saan ang room ni Keane ay lumapit si Villa sa akin.

"Act professional."She only said.

Anong ibig niyang sabihin? Hindi ko alam. At wala akong alam. How can i act professional? How?

"Ae, I will just stay right here until you're done talking to him."Kyle said. Umupo siya sa bench kaharap sa kwarto ni Keane.

Tinignan ko si Kyzo baka kasi gusto rin niyang umupo nalang din muna dito sa labas.

He frowned."I'm going with you."Nauna na siyang pumasok kaya wala akong nagawa.

"You sure your gonna be okay?"I asked Bless.

Tumango naman siya.

"You have only 30 minutes."

Villa is so serious at this moment. She's not like this before hindi naman siya mahigpit gaya nito, pero ngayon mukhang ng iba na ang pananaw niya.

Now, she acted like a professional manager not my friend.

Pumasok na ako at nakita si Chyna na pinapakain si Keane. Kyzo's just watching them, his sitting on the sofa while crossing his arms.

Tumingin siya sa akin kaya pumunta ako sa tabi niya.

"Why are you here?"Naririnig ko sa boses ni Keane na ayaw niya ako dito. His tone,

Hindi pa ako nakaupo sa tabi ni Kyzo. Nangingig ang mga binti ko dahil sa titig ni Keane. Hindi dahil kinilig ako pero dahil sa takot.

Takot akong may marinig na naman akong na masasakit na salita galing sa kanya.

"Umalis kana, wag mo na ngang sayangin ang oras mo sa pag punta dito, wala ka namang halaga!"

Naramdaman ko ang pag tayo ni Kyzo sa gilid ko. Hinawakan ko ang kanyang braso para wag ng mag salita.

"Aella, advice ko lang sayo para hindi kana masaktan huh, wag ka ng mag pakita dito...Alam mo bang sabi ni Keane kanina sa akin ay bakit ka daw naging girlfriend niya e wala nga siyang gusto sayo! Kaya umalis ka...go away!"

I don't care about Chyna's words. I only care of Keane's words.

Pero kahit na hindi kay Keane galing ang mga katagang iyon ay nasasaktan ako, nasasaktan ako dahil alam ko sa sarili ko na wala akong magagawa sa kalagayan niya.

"Did Keane say I love you to you?"Chyna asked while her brows met.

Matapang kong sinalubong ang mga titig niya sa akin. She's mocking me, I know.

Heartless (Complete)Where stories live. Discover now