Chapter 4

398 24 0
                                    

Chapter 4

Dreams.

Bukas na ang singing contest at kailangan ko talagang sumali dahil sa pambayad ng apartment na tinutuluyan ko.

Nag offer naman si Shane at Crystal na sa kanila nalang ako tumira pero hindi ako pumayag dahil ayaw ko namang maging pabigat sa kanila kaya tinulungan ako ni Shane na kumuha ng apartment.

Nagalit nga si Crystal nong araw na tumawag si Shane sa kanya at sinabing pinalayas ako. Agad siyang pumunta sa bahay nila Shane.

"Bakit? Anong nakain ng ina mo at ganun ang mga sinasabi sayo?!"Galit na galit siya. Sila nalang talaga ni Shane ang pamilya ko.

Hindi ko naman alam kong anong name ng daddy ko na nasa spanya at yung kapatid kung lalaki wala din akong alam sa kanya kaya hindi ko sila mahahanap.

"Kumalma ka nga, Crystal."Kalma lang ang boses ni Shane na naka-upo sa tabi ko.

Nakatayo naman si Crystal sa gilid niya. Parang nanghahamon ng away. Si Crystal kasi yung tipong babae na walang inaatrasan.

"Hindi e, mali yung mga sinasabi ng Mommy niya sa kanya...mommy mo ba talaga siya, Ae?! Nakakainis na talaga! Isa payung kapatid mong inutil! Mapapatay ko talaga yun!"

Tuwing naaalala ko ang galit ni Crystal sa pamilya ko ay nasisiyahan ako, hindi dahil galit siya kundi dahil may concern pang tao na natitira sa buhay ko. Shane and Crystal will always be my family.

"Okay na ba yan?"Napalingon ako kay Shane na kasama ko sa pag gro-grocery.

Itinuro niya ang nasa cart ko na mga pag kain. Tumango ako sa kanya at tumango rin siya. Ako ang mag babayad nito hindi pweding siya nalang palagi.

"Ako na ang mag babayad."Sabi niya ay iwinagayway ang credit card sa ere. Ngumiwi ako at lumingo-lingo.

"Ako na. May pera naman ako."

Hindi siya mananalo sa akin kahit anong pilit niya pang siya ang mag bayad. Kaya sumuko din.

Nakauwi kami sa apartment ko at agad na dinisplay ang mga gulay,  karne at iba pa sa ref.

Umupo ako sa sofa katabi ni Shane. "Ready kana ba bukas? Anong kakantahin mo?"

Wala pa akong napipili na kanta. Nag pra-practise kasi ako ng tatlong kanta pero wala akong mapili.

"I don't know."

Tumaas ang kanyang kilay at parang hindi makapaniwala sa akin.

"Panong 'I don't know'?"

"Tatlo kasi yung napili ko, hindi ko alam kong alin dun."

"Kantahin mo nga ang tatlo at ako na na ang pipili."

Tumango nalang ako at kinuha ang phone ko. Pinatugtug ko ang tatlong kanta at kumanta dun isa isa.

Natapos ako sa pag kanta sa tatlong songs at nakita ko ang hitsura ni Shane na satisfied.

"Gusto ko yung pangalawa. Maganda."Tumango-tango pa siya habang hinahawakan niya ang kanyang panga.

Maganda naman talaga ang pangalawang kanta kaya yun nalang din. Nahihiya ako baka manood si crush para sa kanya pa naman ang minsahe ng kanta.

"Si Keane, nandoon ba bukas?"

She frown."Ha?"

Ngumisi ako."Si Keane."

Nag kibitbalikat siya. "Ewan, di ko alam. Baka. Mahilig yun sa mga music e. Kaya siguradong nandoon yun."

Tumango-tango ako at tumingin sa kawalan. Mahilig siya sa music at pansin ko iyon dahil sa palaging suot niyang headphones.

Heartless (Complete)Where stories live. Discover now