Chapter 1: Opponent

5.2K 340 437
                                    

"Summer! Are you still there? Male-late na tayo,"tanong ni Gerica sa kabilang linya, I'm in a group call with my friends. 


I rolled my eyes. Ang aga-aga pa pero gusto na nilang pumasok. I don't get the excitement of first days. It only means more hell days to cry for. 


"I'm getting ready," tamad na tamad na sabi ko habang nakatingin sa salamin at inaayos ang sarili. 


"Good! I'm super ready to meet new people!" maingay na tili ni Rosea. 


Huh. If only things were like how they used to be, maybe I'll get the same excitement they feel.


 Ngayon, ang tanging nararamdaman ko ay takot at kaba. Takot sa pakikitungo sa akin ng mga tao at kaba para sa mga salitang ibabato nila. 


Ang bilis ng pag-ikot ng mundo. First thing, you're up there receiving all you could ever ask for, then you'll be down there being pulled by filthy hands on dirt. 


Walang gana kong sinara ang pinto ng kwarto at wala sa sariling tinungo ang daan pababa ng hagdan. 


"Aly, breakfast?" aya sa akin ni dad gamit ang second name ko. Prenteng naka-upo ito sa hapag-kainan kasama si mom. 


I almost scoffed at the thought. The last thing I want to do is share a table with them. 


"I'll just grab a coffee on my way," tanggi ko para hindi na humaba pa ang usapan. 


Dire-diretso lamang ang lakad ko palabas nang hindi sila tinatapunan ng kahit isang tingin. Of course, it's a lie, I just don't want to sit with them. 


"Ang kapal ng mukha! Nagawa pa ring pumasok?" 


"Parang wala lang sa kanya ang ginawa niya." 


"It looks like she's not even affected. What a slut."


 Ilan lamang sa bulungan at mapangutyang tawanan ang bumati sa akin pagkatapak na pagkatapak ko pa lamang sa unibersidad na ito. 


Huh. That's first day for me! Cheers! 


Matapang kong ibinabalik ang tingin ng mga mapanghusgang matang nakakasalubong ko. Kahit magtitigan pa kami rito ay hindi ko sila aatrasan. 


Suot ang isang white tank top at white flared pants partnered with an oversized bright yellow varsity jacket, taas noo kong tinahak ang daan patungo kung nasaan ang aking mga kaibigan.


Hindi dapat ako ang umiwas. Hindi ako ang may kasalanan sa mga kaguluhang ito. Avoiding their gazes will only make me look guilty! 


"Summer! Here!" sigaw ni Rosea habang kumakaway-kaway para ipakita kung nasaan sila.


Opposite Souls [Soul Series #1] ✔️Où les histoires vivent. Découvrez maintenant