Chapter Eight

14 1 0
                                    

Nandito kaming lahat ngayon sa kwarto ni Mason. His mom cleaned him up already and tucked him on the bed. Nakaupo ako sa tabi ng kama niya habang ang iba naman ay nasa maliit na receiving area dito sa kwarto ni Mason.

"What was he thinking?!" iritableng sambit ni Luna.

"Chill. We know he has a reason behind this." pagpapakalma naman ni Sol sa kambal niya.

"But still, he could've told us about it and not just shut us down and went on his own! Damn this!" ani Luna at nagwalkout.

Umiiling na sinundan ni Sol ang kambal. Nabaliktad na ata ang sitwasyon ng dalawa na yun ngayon.

Binaling ko na lang ang atensyon ko kay Mason at hinaplos ang kanyang namamagang mukha. May saltik din pala ang isang to. Tsk.

Bakit mo ba kasi nagawa sa amin to, Mason? Huh? What's the reason behind this? Were you threatened? Or was it your own willingness to do such?

I was pulled out of reverie when I heard a deep sigh of annoyance from behind me. Sheez, Tyrell's still here.

I quickly turned to him and saw his wrinkled forehead with eyes that got smaller because of his famous death gaze.

"You look funny with that look." I laughed a bit that made him frown even more. Such a cutie!

Sinungitan niya lang ako kaya nilapitan ko siya at umupo sa mesa na kaharap niya. Nanatili pa ring nakakunot ang kanyang noo at bahagya pang nakabusangot ang labi.

Di ko na naman maiwasang matawa kaya pilit ko itong pinipigilan pero kumakawala talaga ang ngiti at mangha sa aking bibig.

"Stop smiling, you're creeping me out. Jeez!" sabi niya at umirap pa. Mas lalong lumapad ang ngiti sa aking labi.

I reached for his face and flattened his creased forehead. I ran both of my thumb fingers to feel and memorize every line and curve of his face.

Brows like a garden, trimmed and cleaned. A nose that's prouder than proud, it's like carved to perfection. Cheeks as soft and smooth as a baby's. The lips, oh God those sinful lips that can take you to other dimensions. And his eyes.

I stared at his eyes, those gray-colored eyes that dug their way to my heart, that were chaotic and full of unsaid words before but it speaks now. It even screams the words that have been wanting to be heard.

It screams how much he loves me, it screams how happy he is with me, and screams how contented he is having me.

I can't help but feel emotional knowing I have someone like him. Someone I can lean on, be weak on, and a lifetime to spend on.

"Hey... Why are you crying?" he softly asked as he held my face to wipe off the tears I didn't even notice falling. Umiling lang ako bilang sagot at marahan siyang hinalikan sa labi.

Nabigla siya sa ginawa ko pero naramdaman kong tumugon pa rin siya sa halik ko. Tugon na puno ng pag-iingat, tugon na puno ng pagpapahalaga, at tugon na puno ng pagmamahal.

Bahagya pa siyang ngumiti bago naghiwalay ang aming mga labi. Kapos man sa hininga ay ningitian ko rin siya pabalik. I could not ask for more. Tyrell's enough and will always be.

"Uwi na tayo?" aya niya na may ngiti pa rin sa labi. Tinanguan ko lang ito bilang sagot.

Hinapit niya ako sa bewang at hinila patayo. Tinungo namin ang pinto pero bago pa man namin mabuksan ito ay umungol si Mason.

Agad akong napalingon sa gawi niya at nakita kong hindi pantay ang kanyang paghinga. Kumalas ako sa pagkakahawak ni Tyrell at tumakbo sa tabi ni Mason.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Matched by Chaos (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon