"People need fear to survive we experienced it so we can grow stronger"
................................................
Headline ngayon sa mga pahayagan ang pagbagsak ng isang eroplano patungong Boracay hindi pa man ito nakakalayo sa airport ay nag-apoy na ang kaliwang pakpak ng eroplano.Tumagilid ito sa ere hanggang sa ito ay tuluyang bumagsak sa malawak na karagatan habang nagliliyab naman ang kalahating katawan ng eroplano.
Isa sa mga nasa listahan ang pangalan ni Brylle Ichiro Montelfalco.Natagpuan ang katawan nito na palutang-lutang sa dagat,kasama ng ilan pang mga pasahero ng eroplano.
Wala ng mga buhay,ang tanging pagkakilanlan lang kay Brylle Ichiro Montelfalco ay ang kanyang ATM card,ID,Credit card na nakuha sa kanyang jacket mga pictures at pera na nakuha naman sa kanyang bag.
Nagluksa ang pamilya ni Brylle Ichiro Montelfalco,halos himatayin ang kayang ina.Habang ang kanyang ama naman ay nanatiling tahimik at kuyom ang kamao.
Si Kurt naman ay hindi makapaniwala na sa ganun na lamang magtatapos ang buhay ng Kapatid.Nanatili naman sa tabi nito si Susan na labis ding nalulumbay sa pagkamatay ng bayaw.
"This is unfair!"hindi rin makapaniwalang bulalas ni Tristan ang kanyang matalik na kaibigan.Sina Laika at Mika ay labis ding apektado sa nangyari kay Brylle.
Mas lalong naghihinagpis ang mga taga hanga nito,particular ang mga babae na nagtitiyagang pumila sa labas ng funeral parlor na pinaburulan sa bangkay ng binata kahit pa nakasara ang kabaong nito.
Pagkatapos ng ilang araw na lamay,inilibing na ito at ang mga tao ay bumalik na sa kani-kanilang normal na buhay.
"Ma,tanggapin na natin na wala na si Brylle,na hanggang duon nalang ang kanyang buhay"alo ni Kurt sa kanyang ina na wala paring tigil sa kakaiyak.
"P-paano?Napakasakit ng naging pagkamatay ng Kapatid mo.Napakahirap tanggapin"umiiyak na wika ng ginang.
"Sweetheart,wala na tayong magagawa kinuha na sya satin"wika ng asawa nito.
Napasigok ang ginang,pinipilit man nitong tanggapin pero sadyang napakahirap para sa kanya.
Sana,sa mga darating na araw ay makalimot na sila,kung hindi man ay mas maging magaan na sa kalooban na tanggapin ang lahat.
Kamsahamnida🌸🐼💖
cmcabagayBlack_BlueAngel28
![](https://img.wattpad.com/cover/237078199-288-k554599.jpg)
CZYTASZ
You @ I
RomansSino nga ba si Yazmine? Pano Kong isang araw makita nya ang lalaking lubos niyang hinahangaan.Kaya nya kayang pigilan ang kanyang nararamdaman para rito? Sa hindi inaasahan nagtapat ng pag-ibig si brylle sa kanya.Dapat ba syang matuwa? ngunit paano...