🌸🐼CHAPTER 08 🌸🐼

3 0 0
                                    

"G-ganun ba?Pero  teka,b bakit ka ba napauwi agad?Hindi ba't sa pasko pa ang uwi mo rito"
    "M-mamaya na lang.Ah,halika muna sa bahay para naman makapagkuwentuhan tayo."
"Ay,sige.Dan,halika sa inyo,ano ka ba?"sabay hawak ni Melisa sa kamay ni Rylle.
   "Sige"sabi ni rylle habang habol nang tanaw si Rein.

Pagkadating namin sa bahay ay dumiritso kami sa terrace .Sakto naman na nandon na si itay at inay na mukhang kami nalang ang inaantay.Nag-usap na kami tungkol sa pag-mamanhikan nila Meynard.
"Kami naman ng inay mo ay walang tutol kung gusto munang magpakasal o mag-asawa.Nasa lamang edad kana rin naman at maganda na rin ang trabaho mo sa lungsod.Ang gusto lang naman namin ng inay mo ay magkaroon ka ng magandang buhay.Lalaking mabuting tao, may magandang loob at higit sa lahat mamahalin ka at di ka aapihin."sabi ni itay
    "M-mabait naman po si Meynard itay!"sabi ko pero shit kinakabahan ako dahil sa presinsya ni Rylle.
"Kung ganoon,ibinibigay na namin sa iyo ang basbas namin".
      "S-salamat po."sabi ko pero bat parang may parti  na  ayaw ko munang tanggapin ang basbas nila itay at inay.
  "Kailan naman ang dating ng nobyo mo at mga magulang niya.?"
"Sa isang araw po itay"
     "Sige,bahala ka."

"Siyanga pala,Rylle,hindi muna tayo pupunta ng bukid ngayon ha.?"wika ni itay kay rylle.
Nakikinig lang ako sa usapan nila itay at rylle wala naman kasi akong alam kong ano ang pinag-uusapan nila.
"Ho,bakit ho.?"
"Namatay kasi ang asawa ng kapitan dito sa atin,pupunta kami ng Aling Rosa mo.Sumama ka kung gusto mo.ikaw din,Rein anak,sumama ka na lang kung Hindi ka pagod."
      "Ah,b-bukas na lang ho kaya?M-medyo pagod po kasi ako sa byahe."
"Ganoon ba?Paano yan,wala kang kasama rito sa bahay?"
     "Tao po!Aling Rosa, magandang gabi po!"
"Si Melisa yon ah"
         "Ah,babalik nga raw hi siya dahil hindi kami nakapagkuwentuhang mabuti kaninang hapon.Dito ko na lang siya patutulugin para may kasama ako.Teka ho pagbubuksan  ko Muna siya."sabi ko at tumayo para pagbuksan si Melisa.
"Pasok ka Melisa"
       "Salamat.Ay magandang gabi ho,sa inyo."sabi ni Melisa at inabot ang mangkok na umuusok pa."Naku,tamang-tama pala ang dating ko ,hahabol pa ang laing na niluto ko."
"Alam ko,kaya nga ito ang niluto ko.Saka paborito rin ito ni Rylle."sumulyap pa si Melisa kay rylle .
         "Siyanga pala,aalis kami ng Aling  Rosa mo,pupunta kami sa lamay ng asawa ni kapitan.Samahan mo na muna dito si Rein."
"Ay,aba,oho.Balak ko nga ho talagang makitulog dito sa inyo.Ikaw rylle,sasama ka ba sa kanila?"
      "Ha?" Yon lang ang nasabi ni rylle.
"Ah..."
"Mabuti pa ho,huwag na muna ninyong isama si rylle,para naman ho may kasama kaming lalaki rito"sabi ni Melisa kina itay at inay.
     "Ha?aba'y Sige,"agad namang pumayag si itay.

Oh god !lalo Ako nitong maiilang ka rylle lalo pat dito sa nakatira sa amin..Sabi ko sa isip ko.

Ps.thank you po sana nagustuhan  niya💖🐼

   

You @ IWhere stories live. Discover now