🌸🐼CHAPTER 04🌸🐼

2 1 0
                                    

"Time never comes back once it's gone"

P.o.v: Yazmine
            Mula sa kabayanan  ay nagpahatid ako sa tricycle .
Mula roon ay may mga bangkang maghahatid sa akin sa islang kinaroroonan ng bahay namin kung saan naghihintay sila inay at itay.

Habang sakay ako ng bangka kasama ang ibang taga isla ay di ko maiwasang makadama  ng sobrang pananabik .

Halos mag-iisang taon na Kasi akong hindi nakakauwi.
Nagpapadala lang ako ng pera kila inay kung minsan naman lumuluwas si itay para kumustahin ang lagay ko sa tinutuluyang  apartment kung saan may ka-share akong dalawang kasama sa trabaho.
     Ngayon ay uuwi ako para lang magpaalam  na mag-aasawa na ako at para na rin makapamanhikan ang aking nobyo.

    Habang sumasalubong sa mukha ko ang malakas na hangin sa dagat at ang maliliit na talamsik ng tubig sa aking mukha at katawan habang mabilis na umaandar ang bangka ay lalo akong nasasabik na makarating sa bahay.
   Hay,makakapagpahinga na rin ako kahit ilang araw lang.
Yayayain ko si Melisa na maligo kami sa sapa.Iyon ang namiss ko roon,sobra
Kaya pagkadaong na pagkadaong na lang ng bangka sa maliit na daungan ng mga pampasaherong bangka ay agad na akong bumaba at naglakad para magpara ng tricycle papuntang samin.

Bumaba na ako ng tricycle at naglakad pa panunta ng bahay kasi kailangan ko pang naglakad bago makarating sa bahay namin.

"Inay,Itay!"
Nang walang sumagot sa pagtawag ko ay tinulak ko ang pinto na bukas naman pala.
  Nasaan kaya sina Inang?Sabagay,ang alam nila sa isang araw pa ako darating at--
Natigilan ako sa harap ng pinto ng mabungaran ko ang isang lalaking hubad-barong nakahiga sa sofa na kawayan .Anyong himbing na himbing ito at hindi namalayan ang pagtawag niya.

    Pero hindi lang ang presinsya nito ang nagpatigalgal sa akin,kundi sa isiping parang Kilala ko ang taong ito.
Marahan akong humakbang palapit sa nakahiga habang taimtim ko itong tinitigan sa mukha.
Brylle Ichiro... Montelfalco...siya ba ito?Pero patay na siya.ikinurap ko ang aking mga mata para siguraduhin na hindi ako nananaginip lang.

Ngunit nanatili sa kinahihigaan nito ang binata.Humihinga,nakapikit ang mga mata nito.
Nagpatuloy lang ako sa pag-aaral sa pamilyar na anyo nito.
Habang ang buhok na marahil ay hanggang balikat lang,matangos ang ilong,malantik ang pilikmata na sigurado  ako na kapag nakadilat ito ay mas masarap titigan ang mga mata nito.
At ang mga labi nito,iyon din ang mga labing madalas niyang titigan noon kapag nagkukulong siya sa kanyang silid at kinakausap ang malaking poster ng kanyang  idolo na di Brylle Ichiro Montelfalco...ang sikat na modelong namatay sa plane crash may limang buwan na ang nakararaan.

      No... imposibleng si Brylle ang lalaking ito!Patay na siya! Saka...paano siyang napunta rito? 
   "Rein.. ?"
Napalingon ako sa tumawag sa'kin
"I-inay!"
"Rein!Naku,ang anak ko!"napasugod si inay ng yakap at gumanti naman ako ng yakap.
"Kumusta na ho?Na-miss ko kayo!"malambing kong wika.
"Naku,ako man,anak,kami man ng itay mo.Pero bakit ngayon ka na nauwi?Akala ko ba'y bukas kapa?"inilayo ako ni inay sa kanya sa pagkakayakap at iginaya palabas sa maliit na terrace ng aming bahay na gawa  sa kawayan.

"Ah,dito tayo mag-usap,anak,ha? Puyat kasi iyang si Rylle.Si itay mo ay natutulog din sa kuwarto dahil mamaya ay pupunta na naman dila sa bukid para mag pa tubig ng mga tanim natin."
"Rylle?"bahagyang kumunot ang aking noo.
"S-sino ho siya?"palingun-lingon pa ako habang sumusunod kay inay palabas.
"Ah,si Rylle? Napadpad sya rito ng may limang buwan na ang nakaraan.Sugatan at walang-malay.Nakuha sya ng itay mo na palutang-lutang sa dagat ng  ng isang gabing kami nangunguha ng mga sihi .
Iniuwi  namin sya ng itay mo rito at ginamot namin ang kanyang mga sugat.
"M-may limang buwan na ho?"
   

     Continue......

You @ IWhere stories live. Discover now