🌸🐼CHAPTER 07 🌸🐼

2 0 0
                                    

"how can you move forward If you keep  regretting the past"

P.o.v.Yazmine
    Pagkagising ko ay nagpaalam na ako kay inay na pupunta Kila Melisa.Kumusta na kaya si Melisa?matagal-tagal na rin ng kami ng muling nagkita kaya excited na ako na makita sya.

Dumaan ako sa dalampasigan kasi mas mabilis dito papunta kila Melisa .Habang naglalakad ako nakita ko si Rylle at Melisa na nagtatawanan.
"Narito lang pala  sya,kaya pala nawala sya sa sofa.At mukhang nagkakapalagayang-loob na sila ni Melisa"sabi ko sa isip ko.

Bakit tila may kumirot sa dibdib ko ng makita sila na nagtatawanan.
Ano ka ba naman yazmine rein,hindi siya ang idol mong si Brylle Ichiro Montelfalco okay!at kung sya man iyon diba matagal Mo ng pinangako sa sarili mo na kakalimutan Mo na sya may boyfriend kana!At saka patay na sya ,kaya nga nagawa mong tanggapin ang pag ibig ni Meynard eh! sabi ko sa sarili ko.

Ngunit kahit na ano pa ang sabihin ko ay may part pa rin na ako ay nagdadamdam.
Tatalikod na sana ako ng tawagin ako ni Melisa.
"Yazmine Rein"tawag  ni Melisa kaya napalingon ako dito.
   "M-Melisa,kumusta?" Sabi ko .bat Ako nauutal.niyakap ako ni Melisa kaya gumanti din ako ng yakap.
"Ay,ano pa,de mabuti!"masiglang sabi nito."ikaw kumusta?bakit napaaga ata ang uwi mo?"
Tanung nito sakin.

"M-may ibabalita sana ako sa iyo kaya hinanap kita,eh"sabi ko at pasulyap-sulyap kay rylle.
    "Talaga?Tamang-tama may ikukuwento tin ako sa iyo."sabi ni Melisa.napansin niya ata ang pagtingin niya ko Kay rylle.
"Halika ipakikilala  kita sa kanya"Sabi nito sabay hila sa kamay ko.
    "H-ha?"bago pa man ako makatanggi ay hinila na nito ang kamay ko papalapit kay rylle.

"Rylle,halika,ipakikilala ko sayo ang kaibigan ko,Anak sya nina Mang Alberto at Aling Rosa.Si Yazmine Rein.Ah,Rein,siya si rylle"pakilala nito.kung alam Mo lang Melisa Kilala ko na yan sabi ko sa isip ko.
"Kumusta ka?"tanong ni rylle na nakatingin sa mukha ko.
May God bat ganyan sya makatingin.sabi ko sa isip ko.
"M-mabuti.S-sya si Rylle,iyong nakatira sa amin,hindi ba?"pinilit kong maging kaswal para di niya mahalata na kinakabahan ako.

"Ay,alam mo na ba iyon?Sabagay,galing ka nga ata sa inyo"sabi ni Melisa na patango-tango.
"Naikuwento kasi ni inay ang nangyari sa kanya"sabi ko at sumulyap kay rylle at nakita ko itong nakatingin sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin.
Diyos ko kamukhang-kamukha niya talaga ang my love ko este ang idol ko...

Continue.....

You @ IWhere stories live. Discover now