🌸🐼CHAPTER 09 🌸🐼

1 0 0
                                    

                  Chapter 09

"Talaga?ikakasal ka na?nakakainis ka Naman!"
    "Sssshhh,pwede ba?huwag ka ngang maingay?Nakakahiya kay rylle,baka magising sa labas?"
Kung pwede lang takpan ni Yazmine Rein ang bibig ni Melisa ay ginawa niya na ito.
"Kasi naman eh,nakakainis ka,uunahan Mo pa ako.Dapat hinintay Mo Muna ako para double wedding tayo."
         Nanlaki ang mga mata ni Yazmine Rein sa sinabi ni Melisa.
"I-ibig mong sabihin--"
"Ssshhh,huwag kang maingay,hindi pa alam ni rylle na balak ko siyang pakasalan."pabulong nito.
  "S-si Rylle?K-kayo na ba?"tila may kumirot sa dibdib nito.
"Hindi pa nga,kaya nga hindi niya pa alam na siya ang gusto kong pakasalan balang araw eh.Pero pasasaan at bibigay din nyang si Rylle."
  Hindi malaman ni Yazmine Rein ang isasagot sa kaibigan.
"I-ikaw talaga,masyado kang maloko.Kahit nga noong High school pa lang tayo,masyado kang daring."
       "Sus,ano naman ang gusto mong gawin ko?Tumunganga rito sa atin?Alam mo Rein,kahit na hindi pa natin lubos nakilala si Rylle ,at kahit pa hindi pa niya Kilala ang kanyang sarili,kumpara naman sa mga kalalakihan dito ay nakakahigit parin si Rylle.Bukod sa gwapo na,masipag pa at mabait."
   "P-paano kung...kung hindi naman niya matugon ang damdamin mo sa kanya?"
"Alam mo,ginagawa ko ang lahat para mapamahal ako sa kanya,ano?"
    "Eh,p-paano kung matutuhan ka nga nyang mahalin,tapos...kapag gumaling na siya ay makalimutan ka na niya?"
  Bahagyang natigilan si Melisa.
"Iyon nga rin ang iniisip ko kaya hindi ko mapursige ang sarili ko eh.Alam mo minsan nga iniisip ko na sana habang buhay nalang na Wala siyang maalala .Hindi kilala ang sarili.Okay lang naman sakin kung hindi man sya makabalik kong saan man sya galing,ang akin lang ay makasama ko sya habang buhay."
   "Melissa,alam mo naman na hindi tama iyon, ah"
"Alam ko naman iyon eh.Pero Anong magagawa ko,nagmamahal lang naman ako?"
"Ano ba sa tingin mo,gagaling  pa kaya siya?'
    "E-ewan ko.Teka,hindi Mo ba siya namumukhaan kung sino ang kahawig niya.?"
"H-ha?Hindi.Sino ba ang kahawig niya?"
   "B-basta.Baka may kilala ko na kilalang tao na kamukha niya?"
"Susme! Yazmine Rein.Ako pa ang tinanong mo.Alam Mo naman na dito na ako naburo sa isla mula ng maka-graduate  tayo ng High school sa kabayanan.Wala naman kasi akong hilig na magpunta kung saan-saan.Abala ako sa mga tahiin na inuuwi ni inang at sa paggawa ng tinapa na huli ni tatang."
    "Oo nga pala."Gusto mang maawa ni Yazmine kay Melisa pero wala siyang magawa.
"Teka nga,sino ba ang kilala mong tao na kahawig ni Rylle?"
"H-ha?".
Hindi masabi ni Yazmine sa kaibigan ang malaking pagkakahawig ni Rylle kay Brylle Ichiro Montelfalco ang kanyang kinababaliwan na model.Wal siyang pakialam noon kahit pa mukha na siyang tanga sa kakasunod sa hinahangaan niyang model para lang makita ito.
"H-ha?Ah,wala!Ang ibig kong sabihin,baka may kakilala ka?"
   "Wala nga."
"G-ganoon ba?"
"Oo.O,ano?Sa palagay mo,ano ang dapat kong gawin?"
     "M-mabuti pa,matulog na muna tayo,ha?"Nahiga na siya nang patalikod dito.
"Hmp! Killjoy naman ito.Sige na nga, tulog na ako."Nahiga narin ito sa tabi niya."Alam mo,naiisip ko kanina,ano kaya kung gapangin ko nalang si rylle ngayon?"
"Ano?"Napabalik siya nang bangon.Napahagikgik ito.
"Joke lang.Ikaw talaga,Manila girl ka na,conservative ka parin."
Gustong mapanatag Jasmine     Rein na nagbibiro  lang ito,pero ayaw niyang maniwala.
Luka-luka rin ang babaeng ito,eh.Minsan ay masyadong daring.Suya rin naman ang kawawa sakaling mapasubo siya kay rylle.Paani Kong Siya nga si Brylle Ichiro?Maiwan lang na luhaan ang kaibigan ko dahil hindi siya ang kagaya na makinig nito.
Kaya ang nangyari,kaya magdamag na nagpaparamdam sina Yasmine Rein at Melisa.
"Yas...?mahinang tawag ni Melisa pagkaraan ng isang Oras .
"O...?kunwari ay inaantok niyang tugon,pero ang totoo,gising na gising parin ang kanyang diwa dahil hindi siya makatulog,bukod pa sa ayaw niyang matulog.
"Bakit gising ka pa ?"
Hindi Ako makatulog,eh.naiisip ko kasi ang pag dating nina Meynard Vincent kasama ang mama at Papa niya.
"Paano kung Hindi nila ako nagustuhan?"
"Sus! Ikaw talaga Wala kanang tiwala sa sarili mo?
"Meron,kaya lang,mayaman talaga sina Meynard Vincent.paano kong ayaw pala nila ang simpleng teller lang para sa anak nila?"
"Alam mo,antok Lang yan,tulog ka na."
"Okay.Tulog ka na rin."
Pero nararamdaman parin ni Yasmine Rein ang pababalisa ni Melisa sa pagkakahiga .Biling-baliktad ito.
"Ano kaba?Bakit ang likot mo?"sita niya na hindi na makatiis.
"Namawalay ako."
Na tahimik nga sila pareho.
"Yas...?"
"Hmm?"
"Wala muling na tahimik si Melisa.
"Lalong hindi naka tulog si Yasmine Rein dahil alam niyang May balak Ang kaibigan na totohanin ang balak nagapangin nalang si rylle para magawa na nitong akitin ito.
   

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You @ IWhere stories live. Discover now