🌸🐼CHAPTER 05🌸🐼

2 1 0
                                    

"Time never comes back once it's gone"

Continue....

"Oo."
Bigla ang kaba at hinalang nabuo sa aking utak.
    May limang buwan na rin ng mula ng mamatay sa plane crash si Brylle Ichiro Montelfalco.
Pero inilibing ang kanyang bangkay.Na-claim ito ng kanyang pamil!Sige ng aking utak.
"A-ano ho ang pangalan Niya?"

"Iyon nga ang naging problema namin ng itay mo,nang magising siya pagkaraan ng ilang araw ay tulala siya,hindi makausap.Nang magsalita naman,hindi niya raw maalala kung sino siya at kung ano ang nangyari sa kanya."

       "M-may amnesia siya?"
"Hindi namin alam kung ano ang tawag sa naging sakit niya,pero may sugat siya sa ulo kaya naisip namin na baka nakalog  ang kanyang utak kaya Wala syang maalaala."
     "B-bakit  hindi niyo siya dinala sa kabayanan para magamot doon?Saka inay bakit hindi n'yo--"
"Ayaw nya,eh.Naisip kasi niya na baka kung ano ang nangyari sa kanya kaya siya may sugat sa ulo.Baka raw may makaaway sya na nagtangka sa kanyang buhay dahil na rin may saksak sya."

     "H-ho?"
   Impossible naman na may sumaksak kay Brylle habang pabagsak  ang eroplano!
Sa isip ko..
   "Oo.gusto na raw niya umuwi kung saan man siya galing para maiwasan niya ang dapat niyang iwasan."
  "G-ganun ho ba?"naisip ko tuloy na kung sasabihin ko ba kay inay ang aking hinala sa lalaking ito.

"Oo.Pero mabait naman sya,anak,kaya hinayaan lang namin  ng itay mo na dumito muna siya.Saka malaki ang naitutulong ni rylle  sa itay  mo sa bukid.Alam mo naman na mahina na ang itay mo at hindi naman naging pabigat samin si rylle .Kaya wag Mo sanang ikagagalit na nagpatira kami ng ibang tao rito---"

    "Naku,okay lang ho.saka kung mabait naman po siya at nakakatulong da inyo ni itay pero inay dapat po madala na siya sa doctor para malaman natin kung ano ang nangyari sa kanya o kung may sakit ba sya?"
"Napag-usapan na namin Yan kung minsan,pero sabi niya ay Saka nalang daw.Wala naman daw sumasakit sa kanya."

        "G-ganun ho ba?"
"Oo.Maiba ako,bakit ka nga pala nauwi?Hindi ba't tuwing magpapasko kalang nauuwi rito? Sabagay,maganda nga at nauwi ka,miss ka na namin ng itay mo eh"
"Ah,gusto ko ho sana ay sabihin sa inyo ni itay na magkaharap kayo"
    "Ha?Bakit?Ano ba ang problema?"

"W-wala naman ho inay,k-kaya lang ho..."
      "Sige,hintayin nalang natin ang itay mo, gusto mo ba?"
"Ah,sasabihin ko nalang ho sa inyo."
    "Sigurado ka?"
"O-oho"
"Ano ba yon?"
     "K-kasi ho,sa isang linggo ay darating si Meynard."
"Meynard? Sino yon?"
       "Ah,nobyo ko ho."
"M-may ka na ?"
"M-mag-aapat na buwan pa lang ho.Pero matagal na ho siyang nanliligaw sa'kin,may apat na taon na rin at kailan ko lang sinagot.M-mabait ho siya."

    "Ganoon ba?"may bahagyang pag alala sa mga mata ni inay.
"O-oho.Pero wala ho kayong dapat na ipag-alala.Garantisado ho ang pagkatao niya."
     Napabuntong -hininga nalang si inay.
"Buweno,kung ang gusto mo ay kaharap ang itay mo-----"
   "Ah,sasabihin ko na rin ho sa inyo,inay.Alam ko ho na nasasabik na kayong malaman ."
"S-sigurado ka?"
"Oho,Para mamaya ay may katulong ako sa pagsasabi kay itay."
     "Sige,kung iyon ang gusto mo.Ano na iyon?"
"M-mamamanhikan na ho sina Meynard kasama ang mg magulang niya."
     H-ha?"


PS.i hope u like it guys don't forget to vote ang comment

❤🌸🐼❣

    

             

You @ IWhere stories live. Discover now