Tara Kape #1 ❝Amoy ng Aroma❞

30 1 0
                                    

Tara Kape #1 ❝Amoy ng Aroma❞

Tag-ulan na naman pala,
hindi ko mapigilang hindi mapatakam
sa imahinasyon ng amoy aromang
pumapasok sa dalawang butas ng ilong.

Kung nanlalamig, bakit hindi maghanap ng pampainit?
Bigla kong napagtanto na
paano naman 'yung pinagsawaan na?
Gano'n-gano'n na lang ba?

Punuan, ayon ang unang napansin
ng mga matang maliligalig at nakaramdam ng ginaw
mula sa ihip ng mamahaling 'air-conditioner',
kapag nga naman nahuhuli ka.

Mahirap palang maghanap ng bakante,
'yung tipong walang nagmamay-ari,
'yung pwedeng angkinin na iyo kaso
lahat nagmamadali sa pagpili,

ang hirap naman na 'yung pinili mo,
napili na pala ng iba.
'First come, first serve' raw
pero bakit ganoon? Lagi ba dapat una?

Gaano ba kasakit maging pangalawa?
Hindi ko kasi alam, ni hindi nga ako inuna
ni mapasali sa bilang, hindi man lang naisama,
masyadong malalim ang binugang buntong-hininga

kaya kailangang-kailangan ng idaan sa kape ito,
kung pwede lang makiupo—
siguro ay hahanap na lang ako ng makakausap dito
habang humihigop ng kapeng paborito.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tare KapeWhere stories live. Discover now