Tara Kape #6 ❝Brew❞

6 1 0
                                    

Tara Kape #6 ❝Brew❞

Sa bagal kong humigop
ay naglakas pa rin ako ng loob
na ihipan itong kapeng hawak ko
kahit na hindi na ako ganoong napapaso.

Malamig na nga ba ito
o sadyang namanhid lang ako
sa isiping gusto ko siya
pero hindi niya ako gusto?

Napakagasgas na non
pero umaasa ako na mapapalingon,
mapapabaling ang kaniyang atensyong
pilit na ninanakaw ng mga tingin ko.

Nagulat ako nang bigla kang magsalita,
sabi mo, "Tama na katititig",
ngunit hindi ko magawang pigilan ang sarili
na mapangiti. Ikaw nga itong aking nahuling nakatingin.

Hindi na ba ito mainit?
Pero bakit hindi?
Bakit ko ba tinanong?
Kasi hindi ko rin alam ang sagot.

Masyado ko bang tinuon ang atensyon sa kaniya?
O 'di kaya'y napasobra ako sa kaiisip?
Kung bakit nanlalamig?
Siguro'y dahan-dahanin na lang natin sa pag-ihip.

Ayaw ko pang matapos ito kaya't sisimulan ko na
gusto kong malaman ang pangalan niya,
pwede ba?
Ngunit tinitigan niya na naman ako

at bigla itong tumayo.
Akala ko aalis na siya pero nakita kong pinuno
niya uli ang kaniyang tasa bago bumalik,
sabay banggit ng pangalang hindi ko inaasahang marinig—

Brew.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tare KapeWhere stories live. Discover now