Tara Kape #5 ❝Isang Higop❞
Bahala na kung anong kahahantungan nito,
ayaw ko pang lumamig ang kape ko
kaya sige, hihigupan ko na
kahit na parang bigla akong nawalan ng panlasa.Hindi pa naman ako nagsasawa 'di ba?
Hindi naman ako 'yung tipo ng taong biglang magbabago
'pag sawa na, o 'yung kapag tapos na, e, mang-iiwan na lang bigla.
Lahat naman pansamantala, hindi man ako 'yung dalawa—hindi rin naman ako nagtatagal pero pinipilit kong manatili
kasi... hindi ko rin alam,
dahil siguro'y alam ko ang pakiramdam
ng bigla kang iniiwan sa ere.Nakahigop na ako, itutuloy ko pa ba?
Bakit ba nakaabang siya?
Natatagalan na ba siya sa akin?
Nanggigil o hindi kaya'y naiinip?Pansin ko ang kape niyang punuan,
teka, umorder ba siya uli?
Para sa 'kin?
Teka, ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano.Baka kasi nagustuhan niya lang
kaya bumili uli siya ng panibago,
pwede pala iyon?
'Yung kapag naubos na 'yung una mong iniinompwede ka pa uli umulit,
pwede pa palang umulit mula sa umpisa.
Oo nga ano?
Kung itutuloy-tuloy ko ang paghigop,pwede pa uli akong makaisa,
para matagal ko siyang makasama,
balewala na ang malamig na buga ng aircon,
sapat na siguro ang presensya niya't ang kapeng itona bumabalot sa akin para maging init ko.
YOU ARE READING
Tare Kape
PoetryThis is a Filipino medium of poetry series about a story of a person's experiemced with drinking coffe with someone she just met inside a coffee store. Translations would be follow up once this book is done.