Tara Kape #4 ❝Titig ng Pag-ibig❞

8 1 0
                                    

Tara Kape #4 ❝Titig ng Pag-ibig❞

Parang bigla akong nanibago
sa tasang nasa harapan ko
at hindi ko mapigilan ang sariling
mapatitig na lamang dito.

Iinumin pa ba kita?
Hahayaan na lang ba kitang manlamig?
Kung kaya napatingin ako sa kaniya,
tahimik lamang na nakamasid sa akin.

Ano kayang iniisip mo?
Kung mauubos ko ba ang laman ng tasang ito
ay matatapos tayo?
Paano kung oo? Wala namang tayo pero...

nahulog na ako.
Huwag mo akong titigan, pakiusap!
Dahil hindi ko kayang tagalan
ang mga mata mong nakikiusap.

Nakikiusap saan?
Sa ano?
Para kanino?
Para dito?

Baka gusto niya na akong umalis,
o baka may hinihintay pa siyang iba
at takot na mahuling may kasama
kahit na hindi niya kilala,

nakakatawa 'di ba?
Ni hindi ko alam ang kaniyang pangalan,
ni kung saan siya naninirahan
pero nahulog ako bigla nang hindi inaasahan.

Ang rupok!
Pero paano kung sa mga titig niya'y may ibig sabihin?
Paano kung iyon ang titig ng pag-ibig?
Pipiliin ko pa rin bang lisanin ang lamesang ito?

Malamang na sa huli'y pipiliin ko pa ring manatili.

Malamang na sa huli'y pipiliin ko pa ring manatili

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tare KapeWhere stories live. Discover now