Tara Kape #2 ❝Tasa sa Lamesa❞

18 1 0
                                    

Tara Kape #2 ❝Tasa sa Lamesa❞

Hindi ko alam kung kakapalan ko pa ba ang mukha
kung pwede namang humanap ng iba
na pwedeng mahigupan ng kape,
lagi na lang akong nananatili kaya ako nahuhuli.

Bakit kasi sobrang aga nila?
At sa aking pagmasid, nakita ko siya,
nag-iisa sa lamesa habang nasa tabi niya ang tasa
kaya siguro ay ayos na ito, 'di ba?

Pwede bang makiupo?
Natawa ako sa mga salitang binitawan ko,
hindi naman ako masamang tao,
hindi rin magtatagal dahil sandali lamang ako.

Hindi ko maiwasang mapangiti
nang ilahad mo ang upuan sa iyong tabi,
akala ko hindi niya papayagan dahil sino ba ako?
Isang estranghero lamang.

Kating-kati na talaga ang aking sistema
na malapatan ng pait ang dila,
hindi naman sa bitter ako kaya gusto ko itong klase ng aroma,
sadyang mayroon lang siyang bagay na wala sa iba.

Ganoon naman lagi 'di ba?
Mas nangingibabaw 'yung kakaiba,
mas pinipinili 'yung bago sa kanila—
kasi maganda, kasi mayroon ka na nagustuhan nila.

'Don't judge the book by its cover' daw,
hindi nga nanghusga,
umakbay naman sa nakikita ng mga mata,
na porke gwapo at maganda'y katiwa-tiwala na—

teka, ganito ba talaga dulot ng nahuhumaling sa kape?
Kung ano-ano nang sinasabi ko sa kaniya
ngunit tahimik lang itong nakikinig
o nakikinig nga ba siya?

teka, ganito ba talaga dulot ng nahuhumaling sa kape? Kung ano-ano nang sinasabi ko sa kaniyangunit tahimik lang itong nakikinigo nakikinig nga ba siya?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   

Tare KapeWhere stories live. Discover now