Tara Kape #7 ❝Panlalamig❞

8 1 0
                                    

Tara Kape #7 ❝Panlalamig❞

Hindi ko na mapigilang magtaka,
na kung bakit ang kape sa tasa'y medyo malamig na.
Hindi ko na naman siya hinihipan,
at patuloy na rin ako sa paghigop.

Ganito pala ang lasa ng panlalamig,
dapat pala nung una pa lang ay inalam ko agad
na pwede pa uli punuan itong tasa sa hapag,
kung 'di ko lang siya napabayaan.

Tinitigan ko ito at inisip kung uubusin pa ba,
hindi ko na kasi gusto ang lasa niya.
Para bang biglang may kung anong humalo sa timpla,
o senyales ba ito? Baka.

Pero saan?
Ano?
Kanino?
Sa kaniya?

Manlalamig ba siya?
Kung sakaling ubusin ko ito ay tiyak na tapos na.
Pero ayaw ko pa,
gusto ko pa siyang makasama.

Hindi ko alam kung ako ba ang nawalan ng panlasa
o sadyang hindi na masuri ng aking dila
ang sarap at init ng kape na lagi kong iniinom,
dapat pa ba akong kabahan kapag sa tao na nangyari 'yon?

Masyadong mabilis ang pagpintig ng puso
nang bigla kang tumayo,
saan ka tutungo?
Kukuha ka pa ba uli ng panibago?

Sana,
at pakiusap, dalian mo.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tare KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon