Tara Kape #3 ❝Epekto ng Kape❞

16 1 0
                                    

Tara Kape #3 ❝Epekto ng Kape❞

Hindi rin nagtagal ay inilapag na
ang bagay na kinasasabikan ng sikmura,
ito na at isasayad sa lalamunan
ang lasang patuloy na babalikan—

kung naging kape kaya ako
ay babalikan din ako?
Napatingin ako bigla sa lalaking kaharap
na animo'y natutuwa sa kaniyang nakikita,

mukha na pala akong tanga,
masyado ko namang pinahahalata,
bubuntong-hininga uli bago ito ilapag
sa platitong nasa lamesa.

Umamin ka nga,
kapag ba nagkagusto ka sa isang tao o bagay,
gaano mo siya kadalas isipin?
Gaano kaligalig ang iyong pang-upo dahil hindi mapakali?

Ang hirap sukatin kasi gusto mo,
'yung tipong hindi mo alam kung sobra na,
tama pa ba ito?
Parang sa kakakape ko, nahihibang na ata ako.

Ngunit mas nakahihibang pala ang paglapat
ng daliri siya sa bandang tabi ng labi ko,
hindi ko napansing may kumawalang
hampas lupang likido rito.

Ang dugyot!
Nakakahiya!
Hindi ko alam kung anong mararamdaman
pero sana wala siyang pakielam—

ngunit tatawa-tawa ito na parang timang,
ngayon mas lalo akong napaisip,
gaano ba karaming kape nainom niya
para maginong ganoong kahibang?

Ganoon din naman ako,
tiyak na magtatagal kaming dalawa rito.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





Tare KapeWhere stories live. Discover now