GLOWING GEMS 3: PAGTINGIN KAY LEE

459 34 4
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Ilang oras pa ang lumipas nang matapos na ang aming klase. Kasabay ko si Danny ngayon sa paglalakad palabas ng campus upang umuwi na habang ako ay dideretso sa talyer upang magtrabaho. Nais nga akong ihatid ni Lee kaso tinanggihan ko ito, sa kabilang banda naman ay nanghingi ito ng paumanhin sa mga nasambit niya kanina sadyang nagbibiro lamang daw ito at ginogood time ang aking mga kaklase na maluwag ko namang tinanggap.

Sakay ng trisekel ay tinahak ko ang daan papunta roon sa talyer at makalipas nga ang ilang sandali ay agad ko itong narating ng napakabilis. Tinungo ko ang garahe papasok at dito ay nakita kong marami na ang magpapaayos ng sasakyan kaya dali dali akong nagpalit ng damit at walang ano ano'y agad kong kinumpuni ang mga kailangan kalikutin roon. Bago ako maging trabahanti rito ay tinuruan na muna nila ako kung paano magkumpuni, halos isang buwan mahigit lang naman ang ginugol ko upang matutunan lamang ito.

Pawis na pawis ako sa mga oras na ito dahil sa ilang oras na akong nagkukumpuni ng mga sasakyan. Lumipas ang araw na iyon na pagod ang aking katawan dahil sa pagtatalyer. Gabi na noong ako ay makauwi, ni hindi ko na nagawa pang kumain dabil sa tindi ng pagod na aking nararamdaman dahilan upang magalala sa akin sila mama ngunit sinabi ko naman sa kanila na kailangan ko lang magpahinga.

Agad kong narating ang aking silid at dito ay agad kong ibinagsak ang aking katawan sabay na dinapuan ng espiritu ng antok. Bago lamunin ng labis na pagkaantok ang aking diwa ay naramdaman ko namang muli ang init sa aking pakiramdam at dito ay agad akong nakatulog. Wala na akong naalala pa.

"PAGTINGIN KAY LEE"

Quicke_Ow

Part 3

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa parang napatid ang aking paghinga. Hingal kabayo ako habang hinahabol ko ang paglanghap ng hangin kasabay nito ang paglinga linga ko sa paligid. Tila may pinagmamasdan ako kung ano sa paligid ngunit hindi ko malaman kung ano ba ang aking hinahanap. Napapalunok ako ng walang laway dahil sa patuloy pa rin ako sa paghabol ng aking hininga. Dito ay bigla na lamang sumakit ang aking ulo na tila binibiyak ito kasabay nito ang pag init ng aking kalamnan. Hindi ko mawari ang mga nagaganap sa akin dahilan upang makaramdam ako ng labis na takot.

Habang tumatagal ay mas nagiibayo ang init na aking nararamdaman na ano mang oras ay maaari akong magliyab. Nasa ganoong pamimilipit ako sa sakit ng ulo ng biglang may umugong na tunog sa aking tainga dahilan upang ako ay mapapikit kasabay nito ang pagsulpot ng isang imahe, ito ay imahe ng isang napakahabang espada na nagliliyab na pinalilibutan ng mga dragon sa itaas ng bundok. Habang ipinapakita ang imaheng iyon ay paulit ulit na may bumubulong sa aking pangalan na para bang tinatawag ako nito na hindi ko mawari.

"Arghhhhh!" Sigaw ko dahil sa labis na sakit ng aking ulo kasabay nito ang pag init ng aking dibdib dahilan upang mas lalong mag ibayo ang kirot na namumutawi sa aking kaibuturan.

Glowing Gems Where stories live. Discover now