GLOWING GEMS 8: BUNDOK NG DUKARAWI

223 23 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Pinagmasdan ko ang liwanag na bahagyang gumagapang sa mga sanga ng kahoy hanggang sa ang liwanag ay nagtungo sa mga sanga na nasa aking tabi. Nagliwanag ang mga sanga nito sabay na may tumubong bulaklak rito dahilan upang ako ay mamangha sa mga ito.

"Gilom. Nagtagumpay kang buksan ang isa sa mga sagradong bato. Ang susi upang mabuksan mo ito ay nasa iyong kaibuturan at iyon ang naging dahilan upang mabuksan mo't gisingin ang sagradong kapangyarihang ito." Ang tinig sa likod ng kawalan dahilan upang luminga linga ako sa paligid at kasabay nito ang biglaang takot na aking nararamdaman dahil sa biglaang pagsulpot ng tinig na ito.

Mas lalo pang kuminang ang mga dahon ng puno habang ang bulaklak namang ito ay hugis gumamela ngunit kulay pilak ito at sa gitna ng bulaklak ay may isang kristal na hugis dyamante at parang tumitibok ito sa pagkinang.

"Pitasin mo iyan bilang regalo sa iyo ng puno. Matagal tagal rin bago nito mahanap ang susi sa iyo. Ngayon ay tapos nang pangalagaan ng punong iyan ang regalo na ito kaya hayaan mong tanggapin mo ito bilang gantimpala." Ani ng tinig na sa wari ko ay nasa aking tabi lamang ngunit wala naman ito sa paligid.

Agad ko namang sinunod ang sinabi nito kaya agad ko itong pinitas. Noong mapitas ko ito ay bigla na lamang nangitim ang puno kasabay nito ang isang itim na usok ang lumukob sa puno. Ilang sandali pa noong lumutang ang usok sa ere kasabay nito ang pagkawala ng puno. Nagpalutang lutang ang usok sa ere habang ako ay maigi ko itong pinagmamasdan.

Ilang saglit pa noong biglang sumibat paibaba sa aking kinaroroonan ang usok dahilan upang mabigla ako sa pangyayari. Mabilis pa sa alas kwatro ang paglukob ng usok sa aking katawan at maya maya ay agad itong humiwalay sa aking katawan at noong balingan ko ang bulaklak na nasa aking mga kamay ay dito laking pagtataka ko noong wala ito sa akin.

Bumaling ako ng tingin sa usok at doon ay nakita ko ang bulaklak na nasa loob nito habang naglalabas ng kakaibang liwanag. Palutang lutang ang usok sa pwesto kung saan ito nanatili at maya maya pa ay bigla itong nagkakaroon ng pigura at hugis. Ilang saglit pa noong maglaho ang usok sa palagid kasabay nito ay naaninag ko ang pigura ng isang lalaking nakatayo sa aking harapan, balot ito ng itim na kasuotan na may hood sa ulo nito.

Unti unti nitong iniangat ang kanyang ulo ngunit tumambad sa aking paningin ang mala usok sa loob ng hood nito dahilan upang hindi ko masilayan ang mukha nito.

"BUNDOK NG DUKARAWI"

Quicke_Ow

Part 8

Kasalukuyan akong naririto sa talyer upang gawin ang aking trabaho bilang tagakumpuni ng mga sasakyan. Hapon pa lamang agad na akong nagtungo rito dahil half day lamang ang aming pasok ngayon sa kadahilanang nagpatawag ng emergency meeting ang dean ng campus kaya agad na pinauwi ang mga estudyante.

Glowing Gems Where stories live. Discover now