GLOWING GEMS 22: MARKA NG KIDLAT

81 7 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Noong kami ay makaupo ay bigla na lamang umandar ang barko at naglayag patungo kung saan. Nasa ganoong pagupo kami nang bigla na lamang naglaglagan ang mga telang suot ni Danny at napapalitan ito ng bago habang balot ito ng liwanag at ang tanging parteng nagliliwanag lamang sa kanya ay ang parteng may dibdib at sa kanyang pribadong bahagi na tila tumatakip sa masisilang parte ng katawan nito.

Ilang saglit pa noong mawala ang liwanag sa kanyang katawan at dito tumambad ang kasuotan nito na tila isang flight attendant gayong naririto naman kami sa barko dahilan upang magkatitigan kami ni Lee at bahagyang matawa dahil sa parang hindi angkop ang kanyang kasuotan dito sa barko.

Nakapoise ito na tila nagaantay na iannounce ang top 3 sa miss universe habang nakangiti. "Maligayang paglalayag mga ginoo't ginaa!! Tayo ay naglalayag sa open arms ng karagatan. Ako ay nanditey upang magbigay ng mga instructions kung sakaling ma t'titanic ang peg ng pirates of the carribean na itey. Kung if ever tayo ay nasa ocean eyes at hindi niyo knowing gamitin ang swimwear ni Pia wurtzbach just say 'wo-ho', at kung kayo ay marunong sa pagkekemberlo sa H2O just say 'yeah-yeah'. Nagkakaunawaan ba tayo?" Salaysay nito dahilan upang hindi namin ito maintindihan at dito ay hindi nga ako nagkamali dahil sa mga sandaling ito ay nakakunot na ang mga noo ng aking mga kapatid gayon din si Lee at Gurong Yunim.

"Ano ba ang iyong sinambit Mader Rose? Sumpa ba iyon o basbas?" Takang tanong ni Lewin.

Nangunot naman ang noo ni Danny. "Hindi niyo pala naunawaan? Ede mamatay na ang mamamatay sa hindi marunong lumangoy!!!! Mga chaka!!!" Singhal nito sa amin sabay na nagwalk out at nagtungo sa unahan ng barko habang kami ay nagkibit balikat lamang dahil sa ikinilos ni Danny.

"MARKA NG KIDLAT"

Quicke_Ow

Part 22

Nagaapoy ang aking balat habang nagiipon ako ng lakas upang maihataw ito sa aking katunggali. Nagliliwanag at umuusok ang aking buong katawan kasabay nito ang pagliliwanag ng aking mga mata.

Nakakalasing nga ang taglay na lakas ng regalong ito dahil sa kagustuhan kong magapi ang aking mga katunggali. Ilang saglit pa noong magibayo ang apoy sa aking katawan kasabay nito ang pagkaipon ng aking lakas.

Ibinato ko ito sa aking mga katunggali sabay na sumibat ang bolang apoy na nanggaling sa aking mga kamay pabulusok sa kinaroroonan ng mga ito.

Nakita ko namang lumipad si Lewin upang sugpuin ang bolang apoy kasabay nito ang paglabas ng kanyang pakpak na taglay ang kakaibang bagwis. Itinapat nito ang kanyang pakpak sa apoy na sumisibat sa kanyang kinaroroonan hanggang sa gumalaw ang pakpak nito at naglabas ng kakaibang pwersa dahilan upang mamatay ang apoy at maglaho sa hangin.

Nasa ganoong pagliliwanag ang aking katawan nang makita ko si Gideon na tumatakbo patungo sa aking kinaroroonan habang nagliliwanag ang mga mata nito kaya nagipon akong muli ng lakas sa aking mga kamay dahilan upang magliyab ang aking mga kamay padipa. Maya maya pa ay nakaipon akong muli ng kakaibang lakas kaya agad kong ipinagdikit ang aking mga palad dahilan upang maging isa ang pwersang naipon sa aking mga kamay kasabay nito ay itinulak ko ang apoy sa kinaroroonan nito habang patuloy paring tumatakbo at inaasinta ang aking kinalalagyan.

Glowing Gems Where stories live. Discover now