GLOWING GEMS 25: PAGSALAKAY NG MGA GWANO

94 7 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Nasa ganoong tagpo kami nang bigla ko na lamang naalala sina inay, itay, at lola na aking naiwan sa mundo kung saan ako nanggaling. Dito ay namalayan ko na lamang ang pagdaloy ng aking mga luha dahilan upang mapansin ito ni Lee at kita mo sa kanya ang labis na pagaalala. Kaya, agad kong pinunasan ang aking mga luha at ibinalik sa ayos ang aking sarili.

"Ayos ka lang ba Gilom?" Malambing at may pagaalala sa tanong nito.

"Oo naman." Natatawa kong saad upang hindi ito magalala sa akin.

"Tungkol ba ito kina inay?" Tanong nito dahilan upang ako ay matahimik dahil sa agad nitong nakuha ang aking nararamdaman hanggang sa agad akong tumango bilang tugon.

"Ewan, sa tuwing sumasagi sila sa aking isipan ay labis na pagaalala ang lumulukob sa akin na tila hindi sila nawawaglit sa aking isipan at iniisip ko lamang ang kanilang kalagayan. Kamusta kaya sila? Sana naman hindi sila nagaalala sa atin." Saad ko.

Hinaplos naman nito ang aking buhok upang ako ay ikalma. "Ang totoo niyan noong ako ay pumunta sa inyo at itinanong ko kina inay kung nasaan ka at doon nila sinabing babalik kana sa iyong mundo kaya labis akong naguluhan at dito isiniwalat sa akin ang totoo mong pagkatao at pinagmulan. Sa una ay labis akong naguguluhan at hindi ko maintindihan ang kanilang isinasalaysay sa akin hanggang sa nakiusap sila na sundan kita sa kadahilanang alam nila inay kung saan ka paroroon kaya sa kagustuhan nilang alagaan at protektahan ka ay minarapat kong sumunod sa iyo. Naisiwalat sa akin ni inay ang mundong ito na ayon sa kanila ay sila daw ay nanggaling rito at sila ay nagsisilbi sa hari. Sa una ay labis akong nagtataka at naguguluhan dahil sa hindi ito kayang tanggapin ng aking isipan ngunit noong masilayan ko ang mundong ito ay dito unti unti ko ng naiintindihan si inay. Kaya nangako ako sa aking sarili na poprotektahan kita sa lahat ng pagkakataon. Huwag ka ng magalala dahil sa mga oras na ito ay kampanti sila sa kalagayan mo dahil nandito ako." Salaysay ni Lee dahilan upang yakapin ko ito ng napakahigpit at agad na nagpahalahaw ng iyak sa mga balikat nito.

"PAGSALAKAY NG MGA GWANO"

Quicke_Ow

Part 25

Sa mga sandaling iyon ay ginising namin ni Lee ang aking mga kapatid, Danny, at Gurong Yunim upang puntahan ang mga tao na sinasabing bisita ni Gael sa kabilang dalampasigan. Hindi naman magkamayaw sa pagtibok ang aking puso dahil sa labis na kabang aking nadarama na tila ano mang oras ay lalabas ito sa akin.

Ilang saglit pa noong agad naming narating ang dalampasigan dito sa isla at dito nga tumambad sa aming paningin ang napakaraming nilalang na may nakakakilabot na anyo dahilan upang higpitan ko ang pagkakahawak ko kay Lee habang ang aking mga kasamahan naman ay hindi nagpakita ng kahit na anong emosyon habang patuloy pa rin silang nakamasid sa mga nilalang sa kabilang dalampasigan. Ang mga nilalang na ito ay parang nawawala sa kanilang mga sarili animo nasasabik ang mga ito na kami ay kanilang ipanglaman sa kanilang mga tiyan.

Glowing Gems Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora