GLOWING GEMS 16: LEE SA MUNDO NG MGA IMMORTAL

110 16 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

"Ngayong nagsama sama na kayong apat, nararamdaman ng mga batong nakahimlay sa inyo ang koneksyon sa pagitan ninyong apat. Tuluyang naibuklod na kayo ng mga batong inyong pinangangalagaan, dito ay magkakaroon na ng balanseng klima at temperatura, kasaganahan at kaginhawaan ng lupain, dalisay na hangarin ng bawat mamamayan dito sa verathra, at pag asa sa bawat isa.

Payabungin at palakasin ninyo ang inyong mga kapangyarihan ng sa gayon ay magawa ninyong mapangalagaan at maprotektahan ang inyong nasasakupan. Huwag magpapalinlang sa mga gahaman at timawa sa lahat ng bagay. Mabuhay ang mga tagapangalaga!" Saad ng aking ama dahilan upang kami ay mapangiting apat.

Sa mga oras na ito ay nagiibayo ang aking pagnanais na matutunan at gamitin ang aking lakas sa kadahilanang nais kong mapangalagaan ang lupaing ito.

Nakakasiguro akong dito na magsisimula ang bagong kabanata sa aking buhay bilang isang mamamayan ng Verathra.

"LEE SA MUNDO NG MGA IMMORTAL"

Quicke_Ow

Part 16

KINABUKASAN...

Abala ang mga tao dito sa loob ng palasyo sa kadahilanang nais magkaroon ng aking ama ng pagdiriwang sa aking muling pagbabalik dito sa Verathra. Ngayon ay nais ng aking ama na malaman ng mga taong bayan na ako ay muling nagbalik na sa aking tahanan.

Hanggang ngayon ay pilit kong tinatanggap ang katotohanang ako ay isang ligaw na kaluluya na pilit hinahanap ang liwanag ngunit bigo akong mahanap ito. Gulong gulo ang aking isipan sa mga sandaling ito dahil sa aking pagkatao, may pagkakataon na pansamantala ko itong makakalimutan ngunit sa tuwing ako ay nagiisa at walang kausap dito ay unti unting nagbabalik ang sakit at lungkot sa aking pagkatao.

Kasalukuyan akong naririto sa labas ng palasyo dito sa may fountain area nito habang nagmumuni muni at inaabala ang aking sarili sa pagmamasid sa kapaligiran.

Sa mga tagpong nagdaan sa aking buhay mula sa pagkakaroon ko ng kapangyarihan hanggang sa malaman ko ang aking totoong pagkatao ay tila isa itong palaso na tumatarak sa aking dibdib na nagdulot ng labis labis na sakit at kirot.

Labis akong nasasaktan, ni hindi ko nga malaman ang dapat kong gawin. "Ano ba ang nagawa kong pagkakamali para ipagkait sa akin ng pagkakataon ang katotohanan sa akin!!!" Takang tanong ko sa aking sarili.

"Arrgghhh!" Sigaw ko kasabay nito ang pagkulimlim ng kalangitan, tila nakikidalamhati sa akin ang apoy dahil sa biglaang pagkulimlim ng langit.

Nagliwanag naman ang aking dibdib. "Narinig ko ang iyong galit at paghihinagpis. Ikaw ay gulong gulo sa mga bagay na hindi mo madaling matanggap, sa iyong panlabas na galaw ay ipinapakita mo na naintindihan mo ang mga bagay bagay sa kadahilanang ayaw mong magalala ang mga taong nakapaligid sa iyo ang mga bagay na bumabagabag sa iyong sarili, ngunit ang hindi mo alam ay taliwas pala ito sa iyong nararamdaman na tila tinutusok ang iyong dibdib ng karayom." Saad ni Gael sa aking tabi.

Glowing Gems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon