#01-B

3 2 0
                                    


FairyDarkAvi Point of View~

From the country of East Timor their is a girl who lives in a tiny village........and her name is Dili.

She's independent, cold, always disgusted to the people around her, hot temper, anti-social and didn't care about the people around her.

She always just play with her bestfriend.

She's 17 years old but she act like she's still a kid. The people around her judge her like she's a psycho, a special child and so on. But she didn't mind it. As long as she is with her bestfriend and they're happy, she won't be sad anymore.

She won't  be sad anymore........

But she can be mad anyways......

So don't you dare keep her away from his bestfriend if you don't want to see how cruel she is.

***

"Bakit kaya iniisip nilang baliw ako? Hindi ka ba nila nakikita? Kung ganoon sila ang may deperensya at hindi ako" Aniko at umupo sa isang swing. Ganoon din ang ginawa ng kaybigan ko at naupo siya sa kabilang swing.

"Ayaw mo naman kasing magsalita, paano sila maniniwala sa akin na totoo ka?" Tanong ko muli pero walang imik ang aking kaybigan.

Simula bata pa lang ako ay magbestfriend na kami pero hanggang ngayon ay hindi ko alam ang kaniyang pangalan dahil simula pa noon ay hindi na talaga siya nagsasalita.
Kaya tinawag ko na lamang siyang bestfriend, tutal siya lang naman ang kaybigan ko simula noon hanggang ngayon. Walang kumakaybigan sa akin pero kontento na ako sa kaniya.

"Tara maglaro na lang tayo ng habulan!" Aya ko sa kaniya, tumayo ako at ganoon rin siya. Siya ang palaging humahabol sa akin. Nang mapagod kami ay naisipan na naming tumigil at kumain na lang.

Katulad noon ay hindi niya tinatanggap ang inaalok kong pagkain. I don't know if she doesn't want it or she's just shy. I just let her.

After we ate. We decided to go home. Naabutan kong naglalabas sa ref si Tito Jules ng Karne.

Napalingon siya sa akin ng makita niya ang presensya ko. "Oh, nandyan ka na pala, ikaw na nga magluto dito" Aniya kaya kahit hindi pa ako nagbibihis ay nagtungo na ako doon, hinubad ko ang bag ko at tinupi ang longsleeve ng uniform ko hanggang siko.

Si Tito Jules na lang ang kasama ko sa buhay, wala na akong mga magulang. Palaging wala si Tito Jules at paminsan minsan lang siya kung umuwi kaya hindi na ako nagugulat kung bigla siyang nandidiyan.

"Sa taas lang muna ako" He said, I just nodded and then he go upstairs.

Saglit kong tinitigan ang karne na nasa chopping board. Mapula ito.

Kinuha ko ang kutsilyo, sandali akong napatitig sa repleksyon kong naroroon. Ngumisi ako. Sinumulan ko ng hiwain ang karne. Malambot ito.

I'm thinking about how sharp this knife.

Napatigil ako sa paghiwa ng natapat na ako sa parteng mabuto. Hindi umubra ang kutsilyo kahit anong pilit ko.

Hinanap ko ang itak na minsang ginagamit ni Tito Jules panghati sa Karne. Katulad sa kutsilyo ay nakita ko rin ang repleksyon ko doon, pati ang repleksyon ng kaibigan ko.

Ngumiti ako. "Sa tingin mo bestfriend? Gaano ka talas ang itak na ito?" Assual my friend didn't respond.

Ipinuwesto ko ito at tsaka initak ang karne, rinig na rinig ko ang tunog nito mula sa pag-angat ko sa ere hanggang sa tumama sa karne at chopping board.

Inulit ulit ko ito hanggang sa masatisfied na ako sa karne. Sa tuwing ginagawa ko ito ay kakaibang kasiyahan ang nararamdaman ko.

Matapos kong magluto ay siyang pagbaba ni Tito Jules. Sabay na kaming kumain.

Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ng aking kaybigan. Ang palagi naming ginagawa.

Nasa corridor pa lang kami ay rinig na namin ang boses ng mga istudyante. Kani-kanilang kwento. Kani-kanilang pangingielam sa buhay ng ibang tao. Katulad na lamang nito........

"Huy! Nabalitaan niyo ba? D'yan daw sa dulong bahagi ng East Timor ay may matatagpuang nakakatakot na kweba" Ani ng isang babaeng istudyante.

"Oo nga daw e, at ang sabi pa may lalaki daw na nagtatago sa kwebang iyon. Nakakatakot!" Ani naman ng isa pang istudyante.

"Trill nga yon guys, gusto kong makita baka pogi yung lalaki!, dito ba nagaaral?" Tanong naman ng isa.

"Gaga! Anong gwapo ka d'yan! Hindi nga lumalabas sa kweba yon! Siguro ay nahihiya dahil panget siya!" Ani ng isa.

"Baka nga bampira yun! Scary!!" Maarteng sabi pa ng isa. Napailing iling ako.

Nilingon ko ang kaybigan ko, nakasunod lamang siya sa akin. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa corridor.

"Pre! Ano? Magkano pusta mo?" Napatigil kami sa narinig na bulungan.

"100!"

"500!" Mayabang na sagot ng isa.

"Wow! Galante!"

"Oo, alam ko naman kasing hindi niyo mapapalabas yung lalaking yun sa kweba kaya handa akong pumusta kahit gaano pa kalaki" Positibong sabi ng lalaking pumusta ng limang daan, napangisi ako at napailing. Nagpatuloy muli sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang aming classroom. Hanggang doon ay ang misteryosong lalaki pa rin na nasa kweba ang pinaguusapan.

Kinabukasan ay napatigil ako sa paglalakad sa corridor ng dahil sa mga istudyanteng nagkukumpulan doon. What's the matter?

I got curious that's why I walked towards the crowded students. Nang makarating ako sa harap ay nakita ko ang mga lalaki kahapon na pinagpustahan ang lalaking nasa kweba.

Puro pasa ang isa, ang isa naman ay puro kalmot, ang isa ay walang sugat pero halatang balisa siya at parang takot na takot.

Napailing na lamang ako at umalis na. How weak?! Tss.

"Grabe ang creepy naman pala ng lalaking nasa kweba"

"Ayokong mapunta doon, ayokong magaya kina Jackson!"

Bigla akong nacurious kung gaano kalakas at nakakatakot ang nasabing lalaki sa kweba. Huminto ako sa paglalakad at nilingon ang aking kaybigan. Ngumiti ako sa aking naisip.

Pupuntahan ko ang lalaking nasa kwebang iyon. I want to see and meet him.

My Friend is beside MeWhere stories live. Discover now