#08-I

2 2 0
                                    


"Iyan ang susuotin mo?" Tanong ni Aires at pinakita ko sa kaniya ang susuotin kong gown para sa pageant, sinend kasi sa aking ni Dixie ang gown through messenger. Bukas ko pa susukatin.


"Oo, sa tingin mo bagay kaya sa akin?"


"Wow. Oo naman, I'm sure bagay sayo yan, ikaw ang pinakamaganda in that day" He said like he is so sure about that. I just smirked.


Bigla namang nalungkot ang eskpresyon niya.


"Oh? Bakit?"


"Mas maganda siguro kung napapanuod kita at sinusuportahan doon" Malungkot na sabi niya. "Kaso hindi ako pwedeng lumabas dito" Mahinang sabi niya.


"Ayos lang kahit wala ka doon, promise ko na lang na ipapanalo ko yon" Nginitian ko siya pero pilit na ngiti lang ang sinukli niya.


Kaya tinulak ko siya sa upuan, agad naman siyang nahulog.


"Aray! Bakit mo ko tinulak?"


"Ang pangit mo kapag nakasimangot ka!" Tumatawang sabi ko kaya tinarayan niya ako. Mas lalo lang akong natawa.


Wow.


Hinawakan ko ang tela ng kulay lilang gown ni Dixie. Nasa bahay niya ako ngayon, usapan kasi namin, pagkatapos ng training ay dumeretsyo kami sa kanila.


Kumikinang ang bandang ibaba ng gown dahil sa mga crystals nito. Tube rin ito.


"Napaka bigat naman nito!" Inis na sabi ko habang naglalakad. Pinasukat kasi sa akin ni Dixie, mabuti at sakto lang sa akin.


"Ganon talaga! Gown nga e. Wow. Dili, you're so gorgeous, bagay sayo, lalong bumagay sa maputi mong balat" Puri ni Dixie.


"Thanks, pwedeng picturan mo ko?"


"Sure" She take me a three shoots. "Send mo sa boyfriend mo?" Nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi niya. Tinarayan ko siya.


"Wala ako non"


Sunod na sinukat namin ay ang swimwear, nung una ay pinipilit niya akong two piece lang ang suot ko pero dahil ayokong kita ang kaluluwa ko ay pinagblazer na rin niya ako.


"Ang sexy sexy mo, kinahihiya mo" Aniya.


"Kung makapal lang mukha ko, baka naghubad na ako sa harap ng maraming tao" Sabi ko pero tinawanan niya lang ako.


Sunod na pinasukat sa akin ang mga heels niya. Sunod ay ang sportwear. Badminton ang sport ko. Siya na ang nagpresintang magmemake up sa akin sa araw ng pageant. Pumayag ako dahil hindi naman ako sanay at walang ibang gagawa. Marunong kaya si Aires?


Bukas naman namin paguusapan ang talent ko. Alas sais na ng makauwi ako.


Matapos kong maligo, kumain at natulog kaagad ako. Nakakapagod ang araw na ito.


Maaga akong nagtungo sa kweba, siguro ay mga ala sais ng umaga pa lang. Kaninang umaga ko lang na alala na hindi ko pala na bisita kahapon ng hapon si Aires dahil sobrang pagod na ako.


"Aires--" Tatawagin ko pa lang sana ang pangalan niya ng agad niya akong hilahin palapit sa kaniya. Nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.


"A-aires...." Para akong natuod. Hindi ko alam kung paano mag react. Hinihintay ba niya ako?


"Akala ko hindi mo na ako babalikan" Malungkot na wika niya. Agad akong lumayo ng bahagya. Nakakunot noo ko siyang tinignan.


"Bakit naman? Aires....ang drama mo! hindi kita na puntahan kahapon kasi masyado na  akong naging busy dahil sa pageant" Paliwanag ko. Mabagal naman siyang tumango tango.


"Ah! May ipapakita na lang ako sayo" Sabi ko at inilibas ang phone ko. Ipinakita ko ang picture ko habang suot suot ang gown ni Dixie.


"Wow. Ang ganda" Parang kimikislap ang mata niya habang nakatingin sa cellphone ko.


"Ko?"


"Nung gown--Aray!" Binatukan ko siya at tinarayan pero tumawa lang siya.


Nagtungo kami sa kwarto niya. "Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong niya.


"Mamayang 7 pa". Tumango tango siya.


"Kailan ang araw ng pageant?"


"Sa susunod na lunes" kumuha ako ng yakult para sa aming dalawa, naupo kami sa coach niya.


"Oonga pala, kaya napaaga ang bisita ko sayo dahil baka hindi na kita mapuntahan mamaya tsaka....... hanggang weekend, magiging busy na kasi ako para sa talent." Sabi ko.


Tumango tango siya. "It's okay, I understand, wag ka na muna pumunta rito, pagkauwi mo magpahinga ka na lang" Aniya at uminom ng yakult.


"Sigurado ka, ayos lang?" Tanong ko muli at tinignan siya. Pwede rin naman kasi akong pumunta rito kung may free time pa ako. Yun kung meron pa nga.


"Oo, tutal ako naman ang nagpumilit na sumali ka dyan kaya ayos lang" nginitian niya ako pero halatang pilit lang.


Tumango tango na lang ako. Tama naman siya. Siya ang may gustong sumali ako sa lintik na pageant na'to.


Sa sumunod na araw ay hindi na nga ako nakabisita pa sa kweba dahil naging busy na ako sa practice ng pageant at sa talent ko. Naisipan namin ni Dixie na kumanta na lang ako. Marunong rin naman ako mag gitara. Iyon ang instrument ko.


Nung una ay pinilit pa niya akong sumayaw ng traditional na sayaw dahil mas gusto daw ng mga judge ang ganon. Pero tumangi talaga ako. Sabi ko siya nalang ang sumayaw kung gusto niya. Ayoko nga non! Tss!


Natapos ang isang linggo na puro practice lang.


"Aray naman!" Sita ko kay Dixie dahil ang diin niya naglagay ng eyeliner. Ansakit kaya sa mata. Itusok ko sa kaniya yon e.


"Wag kang magulo!" Inis na sabi niya rin.


Araw na ng pageant at kagaya ng napagusapan siya ang nagme-make up sa akin.


"Done!" Masayang sabi niya matapos ang ilang oras. "Stand up please?" Tumayo ako at tumingin sa malaking salamin niya.


Wow. Ako ba itong nasa salamin? Napangisi ako.


I'm already wearing my Dark Violet gown with shining crystals on it. My long brown hair curl the end of it. My light make up and I'm wearing a sparkling gray high heels beneath my long gown. While Dixie also wearing a gown because she's the last Queen that's why she needs to be there to pass over her crown for the next queen of East Timor.


"Let's go Dili!! Get the Crown!" Sabi ni Dixie habang nakakuyom ang kamao na ipinakita sa akin.


"Yeah, I definitely will"

My Friend is beside MeWhere stories live. Discover now