#03-A

2 2 1
                                    


"Alam mo sobrang hanga parin ako sayo, napakalakas mo talaga" I said while we're walking in the middle of the darkness path.Gusto raw kasi niya akong ilibot sa buong kweba. Sumangayon na lang ako kahit alam kong wala naman akong makikita kesa mabored ako lalo sa isang sulok.

Napahinto siya at nilingon ako. "What do you mean?"

I focus the light on my phone to the skulls sorrounded in front of us. "Akalain mo, napatay mo ang ganiyang karaming tao, kahanga hanga--" He cut me off.

"Hindi ako ang may gawa niyan" Tanggi niya at medyo natawa pa. Napatingin ako sa kaniya.

"Kung ganoon, sino?"

"Wala,...... talagang mga patay na sila, lahat ng mga buto sa sementeryo ay dito sa kweba nila tinatapon, hindi ako pumapatay" Paliwanag niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Samantalang ako ay nakatayo lang doon. Nang makita niya akong hindi kumikilos ay nilapitan niya ako.

"Hey, Why?"

"Kung hindi ikaw ang gumawa nito?.....Hindi rin ba ikaw ang gumawa noon sa mga lalaki?" Tanong ko at medyo tiningala siya dahil medyo matangkad siya sa akin. I think we're in the same age.

He grinned then slowly shook his head "Hindi, umuulan non ng nagtungo sila dito, may mga mababangis na hayop silang nakasalamuha kaya ganoon ang sinapit nila, dito sila sumilong kaso ayokong may nakikisilong dito sa kweba ko kaya tinakot ko sila at dali dali silang umalis, iyon lang" nagkibit siya ng balikat.

Napanganga ako sa kaniyang sinabi. Ang lalaking ito ay isang ordinaryong tao lang? Nakakadissapoint.

Naupo ako sa isang malaking bato at inilawan ang mga paa ko, tuyo na ang putik doon pero masakit naman ang paa ko, siguro ay dahil sa kakalakad.

Napatingin din siya doon. "Wala kang sapatos ng pumunta ka rito?" Tanong niya, mukhang ngayon lang niya napansin.

"Tinapon ko, kanina"Maikling sagot ko. "May extra ka bang tsinelas? Tutal tao ka, Baka naman meron ka?" Tanong ko.

Bahagya siyang natawa. "Sige kukuha kita, sandali lang, d'yan ka lang" Ilang minuto lang ay nakabalik na siya at may bitbit na pares ng tsinelas na itim. Lahat ba ng bagay dito ay itim? Nakaitim rin kasi siya.


"Salam--" aabutin ko na sana ng siya na ang nagsuot. Lumuhod siya sa harapan ko at dahan dahang sinuot ang tsinelas sa paa ko.

Pinagmasdan ko lang siyang isinuot iyon sa akin. Nang matapos ay nagangat siya ng tingin sa akin.


"Alam mo, may kamay ako" I sarcastically said ang showed him my two hands.


He just laughed and seat next to me. "Ako nga pala si Aires" He introduced himself but I just focus my attention to the sleppers.


"Paano mo nalaman size ko?" Tanong ko at nakatingin parin sa tsinelas. May tindahan kaya sila ng tsinelas?


He laughed. "I said my name is Aires--"


"Wala akong pake" Sabi ko at sandali siyang nilingon. Tumayo na ako at tinignan ang oras sa cellphone ko. 4:40pm na malapit na magdilim.


Hinarap ko siya ng tumayo na rin siya. "Uuwi kana?"tanong niya, halatang nalungkot.


"What do you want? Dito ako matulog?" Pamimilosopo ko pero tumawa lang siya.


"Pwede ren" Aniya kaya tinarayan ko siya.


"Sige na, uuwi na ako, bukas na lang ulit"


"Babalik ka bukas?" Masayang tanong niya tumango tango ako.


"Sige aasahan ko yan, aantayin kita bukas"


Hinatid na niya ako sa bukana ng kweba , kumaway kaway siya at isang wave lang ng kamay ang ginawa ko at tumalikod na.


I stopped when I remember something. Humarap muli ako.


"Dili!" Sigaw ko at tinalikuran na siya.


"Bye! Dili!" He shouted back.


Sumilay ang ngiti sa aking labi pero nawala rin ng makita ko ang aking kaybigan na nasa tabi ko na.


I forget about her.


"Bakit hindi ka sumama kanina sa loob? Sayang masaya pa naman, naglaro kami ng bago kong kaybigan" masayang kwento ko sa kaniya pero wala siyang imik. Tumawa ako. "Don't worry! You're still my one and only bestfriend". I assured her.


Kinabukasan ay excited akong matapos ang klase dahil nangako ako kay Aires na babalik ako sa kweba.


Panay ang tingin ko sa orasan. Bakit napakabagal ng oras kapag nasa eskwelahan?


"Baka naiinip na si Aires don, baka hindi na siya makipaglaro sa akin--sa atin pala, sumali ka na mamaya hah!" Kausap ko sa kaybigan ko.


"Here she goes again, may kinakausap na naman siyang hindi natin nakikita" Bulong ng isa sa kaklase kong babae na nasa likod ko.


Tss. Bumulong pa rinig ko naman.


"Here we go again, mga pakielamera" Panggagaya ko sa boses nung babae.


Biglang tumayo yung babae sa likod. "Hoy! Dili! Are you saying na pakielamera ako?!" She exclaimed. I looked at her innocently.


"Di mo sure?" Ngumisi ako. Kitang kita ko na mas lalo siyang nainis. Napatigil din ang teacher namin sa tinuturo niya at halos lahat na ng mga kaklase namin ay nakatingin na sa amin ni Josefa.


"What's happening here? Josefa? Dili!" Lumapit na sa amin ang guro. Agad akong tinuro ni Josefa.


"Ma'am! Bigla bigla na lang po niya akong pinagsasabihan ng kung ano ano, nanahimik po ako dito" Parang iiyak na sabi niya. Ang galing niyang umarte huh!.


Nilingon ako na aming guro. "Is that true, Dili?" Tanong nito.


"Opo" Parang wala lang na sagot ko at tumingin sa bintana. Katabi ko lang kasi ang bintana.


"Dili! You know that you're interupting my class! Now! Go--" Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin ng guro at agad kong kinuha ang bag ko at tumayo.


"Okay maam, sorry for interrupting your class" I said in a low voice, nilingon ko saglit si Josefa na nakangisi. Natutuwa siya na pinalabas ako. Nginitian ko rin siya. Well, natutuwa rin akong maaga akong pinalabas.


Pagkalabas ko ng room ay nakasunod na sa akin ang kaybigan ko.


"Sa wakas!! Tara na sa kweba!!!" Masayang sabi ko at tumakbo na.

My Friend is beside MeWhere stories live. Discover now