#02-L

3 2 0
                                    


"Napakaputik naman dito? Wala na bang ibang daan?" Inis na sabi ko sa aking bestfriend pero wala lang siyang imik. Nakasunod lang siya sa akin. Nagtataka ako na hindi manlang siya napuputikan, hindi kagaya ko.


Pagkatapos kasi ng klase ay dumeretsyo kaagad kami rito. Hindi na ako makapaghintay na makilala ang nasabing lalaki.


Ang sabi sabi ay nasa dulong bahagi daw ng East Timor ang kweba. Masukal ang bawat madaanan namin. Kanina pa kami naglalakad kaya sana ay hindi kami naliligaw.


"WAHHH! Naiinis na talaga ako!" Sigaw ko at padabog na inalis ang aking suot na sapatos, inihagis ko ito sa kung saan. Nagpatuloy ako sa paglalakad at tahimik pa din ang aking kaybigan na nakasunod.


Hindi ko alintana na walang sapin sa paa. Hindi ako maarte.


"Bilisan mo!! Ayokong abutin tayo ng dilim dito" I said to my friend who always beside me.


I smiled widely when I already saw afar the cave. Agad akong tumakbo papunta doon at ganoon rin ang kaybigan ko.


Huminto ako sa tapat ng kweba. Humanga ako sa laki nito. Wala akong makita sa loob dahil napakadilim.


Walang pasabi akong pumasok. Nilabas ko ang Cellphone ko para magsilbing ilaw sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng bigla akong matalisod sa isang malaking bato.


"Ah!" Daing ko at nabitawan ko ang aking cellphone. Inis ko itong kinapa kapa. Nang makuha ko ay binuksan ko muli ang flashlight. May ibang bagay akong nahahawakan kaya inilawan ko ito.


Mga bungo. Napatawa akong malakas dahilan para mag echo sa buong kweba.


Kumuha ako ng bungo. "Ibang klase. Libingan rin pala ito?" Natatawang sabi ko at inihagis muli ang bungo sa kung saan. I stood up and continue walking. I don't know where am I headed.


Nasaan na ba ang lalaking iyon? Niloloko lang ata ako ng mga walang kwentang istudyanteng iyon.


Bumagal ang lakad ko ng maramdaman kong may nagmamasid sa akin. Inilawan ko ang buong paligid ngunit wala akong makita na kahit ano.


Napangisi ako at nagpatuloy sa paglalakad. Gusto pala niyang makipaglaro ng tagu-taguan ay hindi niya sinabi. Willing naman akong makipaglaro.


Sa isang batong nadaanan ko ay nagpanggap akong nadapa at nabaldog.


Ilang minuto lang ang tinagal ay naramdaman kong may yapak ng mga paa ang lumapit sa akin. Let's see.


Kaagad akong dumilat at hinila siya pahiga, mabilis akong pumatong sa kaniyang ibabaw para hindi na siya makawala pa.


Agad ko siyang inilawan. Siya na nga ang hinahanap ko.


"Gotcha!!" Masayang sabi ko habang tumatawa pa.


Pilit naman siyang umiiwas sa liwanag ng cellphone ko. Natatawa akong umalis sa ibabaw niya. "Paano ba iyan? Ikaw na ang taya! Ako naman ang hanapin mo!" Masayang sabi ko at agad na tumayo, akmang tatakbo na ako ng magsalita siya.


"Wala akong balak makipaglaro sayo!" Sabi niya kaya napahinto ako. Nakasimangot ko siyang hinarap. What?


"Bakit? Akala ko ba naglalaro tayo ng tagu-taguan?" Tanong ko.


"Hindi ako nakikipaglaro sayo! Sino ka ba? Anong ginagawa mo dito?! Gusto mo rin ba akong palabasin ng kweba?" Walang emosyong tanong niya. Tumayo na rin siya.


"Bakit kita papalabasin dito?"


"Malay ko sa inyo!" He shrugged.


"Tss. Isang napakaboring na bagay, ayokong magaksaya ng lakas,dahil alam ko namang hindi kita mapapalabas dito!" Sabi ko at nagcrossarm.


"O, e, anong ginagawa mo rito?"


"Well......i just want to know how strength and scary you are, but......." Nilapitan ko ang flashlight sa mukha niya, kaagad naman siyang umiwas dito.


"But?"


"You're boring" I said. I take my back to him.


"What do you mean?" He confusedly asked.


"Hindi ka naman pala nakakatakot" Sabi ko at iniwan na siya roon.


Tss. Boring.


"Teka sandali!!" Tawag niya kaya nagtaas ako ng kilay at nilingon siya.


"Ano?"


"U-uuwi kana?" Hindi siya makatingin sa akin habang tinatanong iyon. Lalo akong nagtaas ng kilay.


"Kung makikipaglaro ka sa akin ay hindi muna ako uuwi" Sabi ko.


Tumango tango kaagad siya. "Sige, ano bang laro ang gusto mong laruin?"


"Tagu-taguan"


"Sa tingin ko ay iba na lang, hindi ka mananalo sa akin" Aniya at tama nga siya nagpumilit akong maglaro kami non, palagi niya akong nahahahanap kahit walang ilaw samantalang akong may flashlight ay hindi siya mahanap hanap.


"Ayoko na!" Inis na naupo ako sa mababatong bahagi ng kweba. Tumatawa naman siyang umupo sa tabi ko.


"Sabi ko naman sayo---"


"Tse! Tumahimik ka! Nangigigil ako!" Inis na sabi ko.


"Pikon ka pa lang kalaro, paano ang mga kalaro mo sa labas, paniguradong--" pinutol ko na kaagad siya sa kaniyang sasabihin.


"Wala akong mga kalaro sa labas"


"Natural, sa pikon mo ba namang yan!" Tumatawa pa rin siya.


Humarap ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "Bakit ikaw? Hindi ka ba pikunin?" Tanong ko at umiling iling naman siya.


"Kung ganon....bakit wala kang kaybigan o kalaro man lang dito?" Tanong ko na biglang nagpatahimik sa kaniya. Naging seryoso na muli siya kaya napasmirk ako.


"Sinong gugustuhing makipagkaybigan sa katulad ko?" Malungkot na sabi niya.


"Bakit? Ano ka ba?" Takang tanong ko at hinarap muli siya.


"Tao.....pero halimaw ang tingin nila sa akin dahil nandito lang ako sa kweba at hindi lumalabas" Mahinang sabi niya sapat na para marinig ko.


"Kung ganoon, kahanga hanga kang halimaw, kakaiba ka sa lahat ng halimaw" Nginitian ko siya. Seryoso naman siyang napatitig sa akin.


"B-bakit.....p-paano mo nasabi?" Tanong niya.


Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi mo alam?"


"Ano ba kasing sinasabi mo? Paano ako naging kakaiba at kahanga hanga para sayo?"


"Dahil malakas ka! Humanga ako sa ginawa mo sa mga lalaking nagtangkang palabasin ka rito. Nagtataka nga ako kung bakit yung isa doon ay sobrang takot na takot, hindi ka naman nakakatakot, maamo ka nga tignan. Kaya kung tatanungin mo 'ko kung bakit ka naging kakaiba sa ibang halimaw, iyon ay dahil may gwapo kang mukha" Sabi ko at hinawakan ko ang baba niya para makita kong mabuti ang mukha niya.


Sobrang puti niya, katamtamang laki ng mata, matangos na ilong, kulay abong mga mata, messy black hair at ang iba pang hibla ng buhok ay nasa noo, kitang kita rin ang adams apple niya, may dimple, maganda ang pangangatawan, at red lips. Kung tutuusin walang binatbat ang mga hearttrob namin sa school sa lalaking ito. Hindi ipagkakailang gwapo siya.


Wala siyang imik na nakatitig lang sa akin. Binitawan ko na ang baba niya.


"Tama lang na wag kang lumabas dito" Sabi ko.


"B-bakit naman?"


"Baka mahigitan mo lang ang mga lalaki sa aming lugar at pagkaguluhan ka ng mga babae, delikado sila"

My Friend is beside MeWhere stories live. Discover now